Ang isang pakikiharap na may limang stage ay ginamit sa pagtutukoy at pagtugon sa mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng bata.
Ang Una at Ikalawang Antas ay isinasagawa ng paaralan at dapat na laging ipinagbibigay-alam sa mga magulang kung ano ang mga pangyayari sa loob ng panahong ito.
Sa Ikatlong Antas maaaring humingi ang paaralan ng tulong panlabas, hal. mula sa isang educational psychologist. Ang statutory assessment ay naka-pokus sa Ikaapat na Antas. Ito ay kung saan nagsisimulang makilahok ang Special Education Section. Ang iba't-ibang antas ay ipinaliliwanag sa ibaba.
Mga School Based na Antas
Unang Antas
Sa paaralan, ililista ng guro ng klase ang mga suliranin tungkol sa pagkatuto ng bata at magsasagawa ng kaukulang aksyon na may kalakip na konsultasyon mula sa mga magulang ng bata. Sa buong proseso ng pagsusuri, mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga magulang. Dapat na ipinagbibigay-alam sa tagapag-ugnay para sa mga espesyal na pangangailangan at sa punong-guro ang lahat ng mga suliranin at alalahanin ng mga guro.
Ikalawang Antas
Kung ang aksyon na isinagawa sa Unang Antas ay hindi nakalutas sa suliranin, lalahok na ang guro sa paaralan na hinirang at pinagkalooban ng pananagutan ukol sa mga espesyal na pangangailangan (SENCO). Dapat na gumawa ng isang programa para sa bata at dapat na sinusubaybayan ng regular ang pag-unald ng bata. Magpapatuloy ang paaralan sa Ikatlong Antas kung may mga babangong pang suliranin.
Ikatlong Antas
Hihingi ng tulong o payo mula sa isang espesyalista sa labas ng paaralan hal. mula sa isang educational specialist kasama ang inamiyendahang programa. Pagkatapos ng mga karagdagang kunsultasyon, maaaring hilingin ng mga magulang at mga dalubhasa na kasama dito na magsagawa ang Board ng isang statutory assessment.
Flow Diagrams Una hanggang Ikatlong Antas
Mga Antas na Board Based
Ikaapat na Antas
Ang statutory assessment ay naka-pokus sa Ikaapat na Antas. Ang Board, sa pakikipagtulungan ng paaralan ng bata, mga magulang at ng iba pang angkop na ahensya ay magpapasiya kung ito kinakailangan, at kung kailangan at magsasagawa ng kaukulang pagsusuri. Ang statutory assessment ay hindi palaging magbubunga ng salaysay. Hihiling ang Board ng isang kasulatan ng pagpapayo sa bata mula sa:
- paaralan
- medical officer
- educational psychologist
- at sa iba pang kaugnay na ahensya
Inaanyayahan din ang mga magulang na magpasa ng pagpapayo. Matapos na matanggap ang lahat ng impormasyon, magpapasiya ang Board kung gagawa ng isang Salaysay.
Ikalimang Antas
Ang pagbibigay ng salaysay ay naglalahok sa Board na magkaloob ng karagdagang resources para sa isang pangkaraniwang paaralan o sa pagsasabi na maaaring kinakailangan na ang pagbabago sa kalagayan ng isang bata.
May Kaugnay na Dokumento
School Based Stage 1 Flow Diagram (.pdf)
Mga Detalyadong Hakbang ng School Based Stage 1.
School Based Stage 1 Flow Diagram (.pdf)
Mga Detalyadong Hakbang ng School Based Stage 1.
School Based Stage 1 Flow Diagram (.pdf)
Mga Detalyadong Hakbang ng School Based Stage 1.