Ano ang Tribunal para sa Mga Espesyal na Natatanging Pangangailangang Pang-edukasyon at para sa mga may Kapansanan?
Saan maaaring makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa Tribunal?
Ano ang mga desisyong maaari kong i-apela sa Tribunal?
Kailan ako maaaring umapela sa Tribunal?
Ano ang Tribunal para sa Mga Espesyal na Natatanging Pangangailangang Pang-edukasyon at para sa mga may Kapansanan?
Ang Tribunal para sa mga Espesyal na Pangangailangang Pang-edukasyon at Para sa mga may Kapansanan (o SENDIST) ay nagsasalang-alang ng mga apela ng mga magulang laban sa mga desisyon ng Education at Library Boards (Boards) tungkol sa mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng mga bata, kung saan walang marating na kasunduan ang mga magulang sa Board, at hinaharap din ang mga hain o claim na may kaugnayan sa diskriminasyon sa mga may kapansanan sa paaralan.
Saan ako maaaring maghanap ng karagdagang kaalaman tungkol sa Tribunal?
Naghanda ang Hukuman ng “How To Appeal” Booklet sa pagsasaalang-alang ng mga apela ng SEN at ng “How To Claim” Booklet sa pagsasaalang-alang sa mga hain o claim na may kaugnayan sa diskriminasyon sa mga may kapansanan, na nagbibigay ng karagdagang impormasyon, at ang mga ito ay makukuha sa sekretaryat ng Tribunal..
Kung gusto mong malaman ang karagdagang impormasyon tungkol sa Tribunal at ang paraan para makapag-apela o makapaghain o makapag-claim, maaari mong kontakin ang Tribunal sa :-
Telephono: 028 9032 2894
Fax: 028 9032 2924
E-mail: secretary@sentribunal.co.uk
o;
Sumulat sa: Special Educational Needs and Disability Tribunal
Secretariat
2nd Floor
Albany House
73-75 Great Victoria Street
Belfast BT2 7AF
Ano ang mga desisyong maaari kong iapela sa Tribunal?
Maaari kang umapela sa Tribunal kung ang Board ay:
- nagpasiya na huwag magsawaga ng pormal na pagsusuri sa SEN ng inyong anak subalit dapat lamang ito i-apela kung walang isinagawang pagsusuri sa loob ng nakaraang 6 na buwan; o,
- nagpasiya na hindi na mag-iisyu ng isang Pahayag tungkol sa SEN ng iyong anak pagkatapos na makagawa ng isang pormal na pagtatasa.
Kung tinasa na ng Board ang SEN ng iyong anak pagkatapos na makagawa ng isang promal na pagtatasa:
- ang paglalarawang nasa ika-2 bahagi ng pahayag tungkol sa SEN ng iyong anal
- ang paaralang tinukoy sa ika-4 na bahagi ng Salaysay; o
- ang katotohanang walang paaralan na tinukoy sa ika-4 na bahagi ng Salaysay.
Maaari ka ding umapela sa Tribunal kung:
- tinanggihan ng Board ang kahilingan mong palitan ang paaralang tinukoy sa Pahayag ng iyong anak, basta't sinabi mo na ang tungkol sa isang paaralang may suporta mula sa isang gawad o grant-aided na paaralan, at ang salaysay ng iyong anak ay naitago ng Board sa loob ng hindi kukulangin sa isang taon.
- tinanggihan ng Board ang kahilingan mong muling tasahin ang SEN ng iyong anak, basta't hindi pa nito naiisagawa ang isang pagtatasa sa loob ng nakaraang 6 na buwan;
- nagdesisyon ang Board na huwag nang panatilihin at patagalin pa ang salaysay ng inyong anak;
- pagkatapos na muling matasa ang iyong anak, nagdesisyon ang BOARD na hindi na sususugan ang Salaysay.
Kailan ako maaaring umapela sa Tribunal?
Kung mayroon kayong alitan ng Board tungkol sa alinman sa mga bagay na binanggit sa itaas, kailangang subukan mo, sa unang pagkakataon, na resolbahin ito sa Board. Maaari mo ding gamitin ang 'di pormal at independyenteng Dispute Avoidance and Resolution Services (DARS) na ipinagkakaloob ng Board. Mayroon kang dalawang buwan mula sa petsa na ipinabatid sa iyo ang tungkol sa "pinagtatalunang desisyon" para makapag-apela sa Tribunal. Kahit pa nakapag-apela ka na sa Tribunal, maaari mo pa ding subukang ayusin ang alitan nang direkta sa Board o sa pamamagitan ng DARS. Ang access sa DARS ay hindi magiging prehuwisya sa karapatang mong umapela sa Tribunal.
Kung ang pasiya ng hukuman ay pabor sa akin, gaano katagal akong maghihintay?
Sa naging resulta ng SENDO, ang mga Boards ay kailangang sumunod sa mga kautusan ng Tribunal sa loob ng mga tukoy na panahong may hangganan.
Table 1: Hangganan ng Panahon para sa Pagsunod ng Board sa mga Kautusan ng Tribunal
Ang haba ng panahon ay nagsimula sa araw pagkatapos na maisagawa ang Kautusan.
| Tungkulin sa Board | Hangganan ng Panahon |
| Para makapagtasa - kailangang ipabatid sa magulang | sa loob ng 4 na linggo |
| Para makagawa at magpanatili ng salaysay | sa loob ng 5 linggo |
| Upang magpasa ng pagpapasiya matapos na ibalik ng Hukuman ang kanilang pagsusuri sa Board | sa loob ng 2 linggo |
| Para masusugan ang salaysay at mag-isyu ng pabatid tungkol sa susug | sa loob ng 5 linggo |
| Para maiipagpatuloy ang pagpapanatili sa salaysay | dagliang epekto |
| Para masusugan ang salaysay | sa loob ng 5 linggo |
| Para mahalinhan ang pangalan ng isang paaralan o iba pang institusyon ng pangalang tinukoy ng isang magulang (o kung ang paaralan ay sarado sa loob ng 2 linggo pagkabukas nito) | sa loob ng 2 linggo |
| Ibasura ang isang apela laban sa isang desisyon na itigil na para panatilihin ang isang salaysay - itigil ang pagpapanatili sa salaysay | dagliang epekto |
Table 2: Hangganan ng Panahon para ang Board ay Sumunod sa mga Apelang Walang Tumututol
Ang panahon ay nagsimula sa araw matapos na ipabatid ng Board sa Hukuman na hindi sila tumututol sa apela.
| Tungkulin sa Board | Hangganan ng Panahon |
| Tinanggap na apela laban sa isang desiyon na hindi gumawa ng isang salaysay | Kailangang maghayag ng salaysay ang Board sa loob ng 5 linggo. |
| Tinanggap na apela laban sa isang desiyon na hindi na babalik-aralin ang isangsalaysay, o gumawa ng isang pagatatasa sa kahilingan ng isang magulang o ng isang kinatawang may responsibilidad | Kailangang magsagawa ng isang pagtatasa ang Board sa loob ng 4 na linggo. |
| Tinanggap na apela laban sa desisyon na huwag sundin ang kahilingan ng magulang na halinhinan ang pangalan ng isang paaralang tinutulungan ng gawad o grant-aided, para sa pangalan ng isang tukoy na paaralan o institusyon | Kailangang sundin ang kahilingan sa loob ng 2 linggo |
Mga Kaugnay na Dokumento
DENI - Supplement to the Code of Practice (.pdf)