Ang mga lehislasyon ay nagbibigay sa iyo ng karapatan na umapela sa Special Educational Needs at Disability Tribunal (ang “Hukuman” o “SENDIST”) sa mga pangyayari kung saan hindi kayo umabot sa isang kasunduan sa Board tungkol sa espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng inyong anak.
Maaari kang umapela sa Tribunal kung ang Board ay:
- nagdesisyon na hindi na magsasagawa ng isang pormal na pagtatasa ng SEN ng iyong anak pero kung wala lamang pagtatasang naisagawa sa loob ng nakaraang 6 na buwan; o
- nagdesisyon na hindi na mag-iisyu ng Salaysay tungkol sa SEN ng iyong anak pagkatapos ng isang pormal na pagtatasa..
Kung ang Board ay nakapagsagawa na ng isang pagtatasa tungkol sa SEN ng iyong anak o kaya'y binago ang isang dati nang Salaysay, maaari kang umapela laban sa:
- paglalarawang nasa ika-2 bahagi ng salaysay tungkol sa SEN ng iyong anak;
- paglalarawang nasa ika-3 bahagi ng Salaysay tungkol sa espesyal na tulong pang-edukasyon na sa palagay ng Board ay siya mong dapat na kuhanin para sa iyong anak;
- ang paaralang tinukoy sa ika-4 na bahagi ng Salaysay; o
- ang katotohanang walang paaralan na tinukoy sa ika-4 na bahagi ng Salaysay.
Maaari ka ding mag-apela sa Tribunal kung:
- hindi pinahintulutan ng Board ang inyong kahilingan na mabago ang paaralang tinutukoy sa Salaysay ng inyong anak, sa kondisyong ang inyong hinihiling ay isang grant-aided na paaralan at ang salaysay ng inyong anak ay nakapanatili sa Board sa loob ng isang taon.
- tinanggihan ng Board ang iyong kahilingan na magsagawa ng isang muling pagtatasa tungkol sa SEN ng iyong anak, basta't hindi pa ito nakapagsasagawa ng isang pagtatasa sa loob ng nakaraang 6 na buwan;
- nagdesisyon ang Board na hindi na panatilihin pa ng salaysay ng iyong anak nang mas matagal pa;
- pagkatapos na muling matasa ang iyong anak, ang Board ay nagdesisyon na hindi na sususugan ang Salaysay.
Ang mga detalyeng ito ang at iba pang impormasyon na kaugnay ng mga pamamaraan ng Tribuhal ay makikita sa "Special Educational Needs and Disability Tribunal – How to Appeal” na makukuha sa mga opisina ng Tribunal.