Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

SENDO

Ang SENDO ay Special Educational Needs and Disability (Northern Ireland) Order 2005.  Ang Kautusang ito ay nagsimulang pairalin noong Setyembre 1, 2005.

 

Sinusugan at dinagdagan ng SENDO ang kasalukuyang Education (Northern Ireland) Order 1996 at nagpasok din ng ilang mga bagong lehislasyon sa Northern Ireland.

 

  • Dinagdagan nito ang karapatan ng bata na makasali sa isang mainstream school kung ito ang gusto ng kanilang mga magulang at akma ito sa probisyon ng isang mahusay na edukasyon para sa ibang mga bata.

 

  • Nag-aatas ito ng tungkulin sa Education at Library Board na magbigay sa mga magulang na may mga anak na may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng payo at impormasyon kaugnay ng mga naturang pangangailangan.

 

  • Nag-aatas ito ng tungkulin sa Education at Library Board na magbigay ng isang pamamaraan ng pag-iwas o pag-resolba sa mga alitan sa pagitan ng mga paaralan o Board at mga magulang.

 

  • Nag-aatas ito ng tungkulin sa mga Board sa sumunod sa mga kautusan ng Special Educational Needs and Disability Tribunal  sa loob ng mga tukoy na limitasyon sa panahon.

 

  • Nag-aatas ito ng tungkulin sa mga paaralan na ipaalam sa magulang kungang probisyon para sa espesyal na edukasyon ay ipinagkakaloob sa kanilang anak.

 

  • Pinahihintulutan ang isang "responsible body" na humiling o magbalik-aral o magtasa ng mga pangangailangang pang-edukasyon.

 

  • Isinailalim nito ang lahat ng mga paaralan sa Northern Ireland sa loob ng mga saklaw ng Disability Discrimination Act 1995.

 

Ito ay isa lamang maiksing buod ng mga probisyon sa Kautusan.  Ang kumpletong kopya ng Kautusan ay makikita sa Lehislasyon.

 

Mga Kaugnay na Dokumento

Equality Commission NI - Disability Discrimination Code of Practice for Schools (SENDO) (.pdf)

Ipinapaliwanag ng Code of Practice na ito ang mga tungkuling iniatas sa mga paaralan lamang.

 

Ipinapaliwanag ng Code na ito kung bakit ayon sa SENDO ay labag sa batas para sa mga samahang may responsibilidad sa pagbibigay ng probisyong pang-edukasyon at iba pang mga kaugnay na serbisyo ang magdiskrimina laban sa mga mag-aaral na may kapansanan at mga mag-aaral na papasok pa lamang.  Sa SENDO, labag sa batas ang pagtrato sa mga tao na may kapansanan at kung saan mas pinapaboran ang iba dahil nga sa sila'y may  kapansanan: upang makapagsagawa ng mga ‘makat'wirang pag-aakma’, upang matiyak, basta't makat'wiran, na ang edukasyon ay ganap na aksesibol sa mga tao na may kapansanan at upang matiyak

 

I-download ang SENDO Flyer (.pdf)

Mula Setyembre 1, 2005, ang Northern Ireland ay magkakaroon ng bagong batas.  Magbibigay ito sa mga bata at kabataan na may mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon o special educational needs (SEN) ng mga bagong karapatan sa paaralan; at ipakikilala sa Northern Ireland, sa unang pagkakataon, ang mga batas na may kinalaman sa diskriminasyon sa mga may kapansanan para sa buong sistema ng edukasyon, kabilang na ang mga samahang magtuturo ng tungkol sa mga pangkalahtang kuwalipikasyon.