Sino ang dapat kong kausapin kung mayroon akong mga alalahanin tungkol sa pag-unald ng aking anak?
Ano-anong tulong ang maaari kong hingin?
Ako ba ay makikilahok?
Sa aking palagay ay may suliranin ang aking anak subalit hindi umaayon ang paaralan. Ano ang marapat kong gawin?
Pinapalagay ng paaralan na may suliranin ang aking anak subalit hindi ako umaayon dito. Ano ang marapat kong gawin?
Ako at ang paaralan ay umaayon na may suliranin na dapat ipag-alala. Ano ang susunod na mangyayari?
Sino ang dapat kong kausapin kung mayroon akong mga alalahanin tungkol sa pag-unald ng aking anak?
Ninanais ng guro ng inyong anak na malaman ang mga alalahanin mo tungkol sa pag-unlad ng iyong anak. Dapat na makipag-ugnayan sa paaralan at makipagkita sa guro ng inyong anak o sa punong-guro. Sa ganitong mga pagpupulong, pakikingggan ng paaralan ang inyong mga alalahanin, ipagbibigay-alam sa inyo ang pag-unlad ng inyong anak at ang mga hakbang na kanilang isinagawa upang makatulong.
Ano-anong tulong ang maaari kong hingin?
Batay sa mga kahinaan at suliranin ng inyong anak, mayroong malawak na tulong na inihanda para sa mga ito. Sa maraming mga pagkakataon at sa mga nagaganap sa lahat ng mga paaralan, malulutas ng karaniwang pagmamasid ukol sa kaibahan o differentiation ang mga pangangailangan ng inyong anak. Ang differentiation ay ang paggamit ng iba't ibang estilo ng pagtuturo na isinasaalang-alang ang maraming mga pamamaraan upang turuan ang mga bata ayon sa antas na kanilang kinalalagyan. Kapag binabago ng mga guro ang mga aralin, ipinapakilala nila ang mga impormasyon sa pinaka-angkop na paraan sa bawat isang bata. Kung nagpapakita ng mabagal na pag-unlad ang isang bata, maaaring gamitin ng guro ang mga sumusunod na pamamaraan:-
- Pagbibigay ng aralin o gawain sa mas palasak at simpleng lebel.
- Paggamit ng mga pamamaraan ng pagtuturo na mas angkop sa mga pamamaraan ng mga bata na matuto, halimbawa mas aktibong pakikilahok ng mga bata sa aralin.
- Paggamit ng mga aklat at worksheets na mas angkop sa mga pansariling karanasan ng mga bata.
- Paglilipat sa bata sa ibang hanay o sa mas maliit na grupo.
- Pagbibigay ng iba't ibang tulong sa pamamagitan ng classroom assistant.
- Pagbabahagi sa mga komplikadong impormasyong sa mas maliliit na hakbang.
Ako ba ay makikilahok?
Oo. Mula pa lamang sa simula ay dapat na naipagbibigay-alam sa inyo kung papaano nakikitungo ang inyong anak sa paaralan. Ang mga magulang ay isang mahalagang bahagi sa pag-aaral ng kanilang anak at may malaking kinalaman sa pagkatuto nila. Ang inyong mga pananaw, huna-huna at perspektibo ukol sa pag-unlad ng inyong anak ay igagalang at makakatulong sa mga pagpa-planong edukasyonal para sa inyong kanila.
Sa aking palagay ay may suliranin ang aking anak subalit hindi umaayon ang paaralan. Ano ang marapat kong gawin?
Dapat na makipag-usap sa punong-guro dahil sa kung minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkaka-intindihan. Mahalaga na makipagtulungan sa paaralan ng inyong anak lalo na sa lahat ng mga pag-uusap tungkol sa kaniyang mga Special Educational Needs. Maaaring makatulong na inyo munang isulat sa isang papel ang lahat ng iyong mga alalahanin bago dumalo sa isang pag-uusap o pagpupulong, at kung iyong nais, maaari ding magsama ng kaibigan o kamag-anak.
Kung matapos na makipag-usap sa punong-guro ay mayroon ka pa ring hindi pagsang-ayon, maaari kang makipag-ugnayan, sa unang pagkakataon sa Pangulo ng Board of Governors ng paaralan. Kung matapos na ito ay maisagawa ay mayroon ka pa ring hindi pagsang-ayon, maaari kang makipagugnayan sa inyong lokal na ELB. Sa mga hindi inaasahang pagkakataon na hindi pa rin nalutas ang mga bagay na inyong inilapit, maaari kang makipag-ugnayan sa DARS.
Pinapalagay ng paaralan na may suliranin ang aking anak subalit hindi ako umaayon dito. Ano ang marapat kong gawin?
Dapat na makipag-usap sa punong-guro dahil sa kung minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkaka-intindihan. Mahalaga na makipagtulungan sa paaralan ng inyong anak lalo na sa lahat ng mga pag-uusap tungkol sa kaniyang mga Special Educational Needs. Maaaring makatulong na ipayo sa paaralan na kanilang isulat sa isang papel ang lahat ng kanilang mga alalahanin bago dumalo sa isang pag-uusap o pagpupulong, at kung iyong nais, maaari ding magsama ng kaibigan o kamag-anak.
Kung matapos na makipag-usap sa punong-guro ay mayroon ka pa ring hindi pagsang-ayon, maaari kang makipag-ugnayan, sa unang pagkakataon sa Pangulo ng Board of Governors ng paaralan. Kung matapos na ito ay maisagawa ay mayroon ka pa ring hindi pagsang-ayon, maaari kang makipagugnayan sa inyong lokal na ELB. Sa mga hindi inaasahang pagkakataon na hindi pa rin nalutas ang mga bagay na iyong inilapit, maaari kang makipag-ugnayan sa DARS.
Ako at ang paaralan ay umaayon na may suliranin na dapat ipag-alala. Ano ang susunod na mangyayari?
Sa ganitong pagkakataon, ang nakatalagang guro para sa Special Educational Needs ay makikipag-usap sa inyo, at sa iba pang mga guro, upang gumawa ng isang planong pang-edukasyon o Education Plan para sa inyong anak. Ang planong ito ay magsi-set ng mga layunin na dapat makamit at mga petsa upang repasuhin kung nakakamit ang mga ito. Maaaring hingan ka ng tulong ng paaralan na gumawa at tumulong sa inyong anak kung siya ay nasa inyong tahanan. Ang inyong suporta at pagbibigay ng lakas at pag-asa ay lubhang mahalaga.
Maaari ding humingi ng pahintulot ang paaralan upang makausap ang inyong duktor o ang pampaaralang duktor tungkol sa inyong anak. Ang lahat ng mga gawain sa antas na ito ay kalimitang makakatulong sa inyong anak upang magpakita ng mabuting pag-unlad Posibleng mangailangan ng ibayong tulong ang ibang mga bata.
Maaari ding maghanap ng tulong ang paaralan mula sa isang espesyalista na nasa labas ng organisasyon. Maaring tumawag ang paaralan ng isang sikologong pang-edukasyon o espesyalistang tagapag-turo. Maaaring ipaliwanag ng paaralan kung ano-anong tulong ang maaaring ibigay ng mga dalubhasa para sa inyong anak. Maaari din kayong bigyan ng impormasyon tungkol sa mga lokal na support services.
Isasaalang-alang ng nakatalagang guro para sa special educational needs ang lahat ng mga nakolektang impormasyon kaugnay sa espesyal na pangangailangan ng inyong anak at siyang magpapasiya kung ano pang tulong ang kinakailangan. Bubuo muli ng isang planong pang-edukasyon o Education Plan ang guro ng inyong anak at ang espesyalista mula sa labas ng organisasyon. Susuriin at itatala ng paaralan ang pag-unlad ang inyong anak. Patuloy na ipagbibigay-alam ito sa inyo at patuloy kayong aanyayahan na dumalo sa mga pulong para sa pagrerepaso. Kung ang inyong anak ay hindi pa rin magpakita ng pag-unlad na inyong inaasahan, magpapasiya ang Punong-guro kung hihilingin ang Board na gumawa ng isang Statutory Assessment.