Community Paediatrician
Designated Medical Officer
Educational Psychologist
Health Visitor
Learning Support Teacher
Occupational Therapist
Named Officer
Physiotherapist
Special Educational Needs Coordinator (kalimitang tinatawag na “SENCO”)
Social Worker
School-based Assistants
Speech and Language Therapist
Community Paediatrician
Ang iyong Community Paediatrician ay isang espesyalistang doktor na may ginagampanang mahalagang papel sa pagtutukoy ng mga bata na maaaring may mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon. Ang ganitong propesyunal ay may kakayahang tasahin ang mga pangangailangan ng iyong anak. Bukod pa sa pagpapayp sa iyo tungkol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kalusugan, ang doktor na ito ay maaaring makipagtalakayan sa iyo tungkol sa iyong mga alalahanin tungkol posibilidad na nahihirapang matuto. Kung sasang-ayon ka, ang doktor na ito ang magpapadala ng mga mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang, sa Education at Library Board. Ang mga Community Paediatricians ay mga tauhan ng Health and Social Services Trusts.
Designated Medical Officer
Maaaring ito ay ang Community Paediaitrician. Ang Designated Medical Officer ay may responsibilidad sa pangangalap ng lahat ng mga payong medikal at payo na may kaugnayan sa mga serbisyong panlipunan, na ayon sa batas.
Bawa't bata ay kailangang sumailalim sa isang medikal na eksaminasyon bilang bahagi ng isang Pagtatasang Ayon sa Batas. Ang eksaktong uri ng eksaminasyong ito ay ibabatay sa kung ang bata ba ay may mga problemang medikal o wala. Karamihan sa mga bata ay tumatanggap ng pangunahing medikal na eksaminasyon lamang upang matiyak na wala silang mga matitinding pangangailangang medikal.
Educational Psychologist
Ang Educational Psychologist ay kailangang magpayo sa Board bilang bahagi ng Pagtatasang Ayon sa Batas, sa iyong anak. Ang educational psychologist ay isang nakapagtapos sa kursong sikolohiya at naging kuwalipikado pagka-gradweyt sa developmental at educational psychology. Ang mga educational psychologists ay kuwalipikado at mahuhusay ding mga guro. May kakayahan silang pagpayo tungkol sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga bata at mga kabataan, at may kakayahang magmungkahi ng mga paraan ng pagtulong sa iyong anak.
Health Visitor
Ang Health Visitor ay isang kuwalipikadong nars na sumailalim sa karagdagang pagsasanay ng isang espesyalista. Maaaring i-refer ng dalubhasang ito sa Community Paediatrician ang mga batang nasa pre-school na may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon. Maaaring hilingin ng Designated Medical Officer ang iyong Health Visitor na magpayo bilang bahagi ng proseso ng Pagtatasang Ayon sa Batas.
Learning Support Teacher
Ang isang Learning Support Teacher ay nagtatrabaho sa Education at Library Board. Ang dalubhasang ito ay may karanasan sa pagtuturo ng mga batang nahihirapang matuto. Ang gurong ito ay maaaring makatulong sa iyong anak nang direkta o maaaring makapagbigay ng suporta sa mga guro sa paaralan.
Named Officer
Ang Proseso ng Pagtatasang Ayon sa Batas ay masalimuot at kung minsan, nahihirapan ang mga magulang na maunawaan ito. Upang matiyak na ang mga magulang ay makakakuha ng mabilis at makabuluhang tulong, tinitiyak ng Board na malalaman mo ang pangalan at mga detalyeng kokontakin para sa isang tao na makapagpapayo, makakatulong at makakasuporta sa iyo. Ang propesyunal na ito ay kalimitang isang opisyal na nagtatrabaho sa Special Education Section ng iyong education board.
Occupational Therapist
Ang Occupational Therapist ay sanay sa pagbibigay ng pagtatasa, ng paggagamot at ng rehabilitasyon sa mga bata at mga kabataan na nahihirapan sa pisikal, sa koordinasyon at sa pagpoproseso. Maaaring hilingin ng Designated Medical Officer ang isang Occupational Therapist na magpayo bilang kontribusyon sa proseso ng Pagtatasang Ayon sa Batas. Ang mga Community Paediatricians ay mga tauhan ng Health and Social Services Trusts.
Physiotherapist
Ang Physiotherapist ay may kasanayang magbigay ng pagtatasa at paggagamot upang malampasan ang mga nararanasang hirap sa pagkilos at sa pisikal, gaya ng mga suliranin sa pagkabalanse, koordinasyon, pag-upo, pagtayo at paglalakad. Maaaring hilingin ng Designated Medical Officer ang isang Physiotherapist na magpayo bilang kontribusyon sa proseso ng Pagtatasang Ayon sa Batas. Ang mga Physiotherapist ay mga tauhan ng Health and Social Services Trusts.
Special Educational Needs Coordinator (kalimitang tinatawag na “SENCO”)
Ang bawat isang grant-aided na paaralan ay dapat magkaroon ng isang SENCO. Ang SENCO ay miyembro ng mga tauhang may responsibilidad sa pakikipag-ugnayan tungkol sa mga probisyon para sa pangangailangang pang-edukasyon. Sa i8sang maliliit na paaralan, maaaring ang Punong-Guro ang SENCO. Masasagot ng SENCO ang karamihan sa mga mas detalyado mong tanong tungkol sa kung paanong naiibigay ng paaralan ang mga epesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng iyong anak.
Social Worker
Ang Social Worker ay isang dalubhasa na nagsanay upang makapagbigay ng suporta at pagpapayo sa mga magulang at mga pamilya. Ang mga Social Workers ay nagtatrabaho sa Health & Social Services Trusts.
School-based Assistants
Ang ilang mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ay nangangailangan ng mas maraming tulong kumpara sa makat'wirang aasahan na kayang ipagkaloob ng isang guro. Batay sa mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng mga bata, ang paaralan ay may iba't ibang uri ng assistants. Halimbawa, mayroong mga classroom assistants, general assistants, supervisory assistants at learning support assistants. Ang mga assistants ay nagtatrabaho sa ilalim ng pangkalahatang direksyon ng punong-guro ng paaralan. Kung ang inyong anak ay mayroong assistant, siya ay magiging bahagi ng grupong itinalaga upang maibigay ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng iyong anak.
Speech and Language Therapist
Ang mga Speech at Language Therapist ay isang propesyunal na may kasanayan sa pagtatasa, pagdadayagnose, pangangasiwa at paggagamot ng mga nararanasang hirap sa pagsasalita at wika. Nagbibigay din sila ng suporta at payo sa mga magulang at mga paaralan. Maaaring ipaalam ng mga Speech at Language Therapists ang Planong Pang-edukasyon at makapagbigay ng kontribusyon sa Medikal na Payo bilang bahagi ng Pagtatasang Ayon sa Batas Ang mga Speech at Language Therapist ay mga tauhan ng Health & Social Services Trusts.