Sa bahaging ito, ang mga kahulugan ay ibinigay sa ilang mga salita at parirala na lumalabas sa ibang bahagi ng site at mukhang may posibilidad na hindi pa pamilyar sa mga ito ang mga magulang.
Payo
Ang Payo ang salitang ibinigay sa nakasulat na kontribusyon ng mga propesyunal, sa proseso ng Statutory Assessment o pagtatasang naaayon sa batas.
Sinusugang Salaysay
Ang Sinusugang Salaysay ay Salaysay tungkol sa Espesyal na Pangangailangang Pang-edukasyon kung saan nagkaroon ng mga pagbabago sa nilalaman kahit walang Statutory Re-assessment o muling pagtatasang ayon sa batas.
Taunang Pagbabalik-aral
Ang Taunang Pagbabalik-aral ay ang pagbabalik-aral sa Salaysay tungkol sa Espesyal na Pangangailangang Pang-edukasyon na dapat na maisagawa sa loob ng 12 buwan pagkatapos gumawa ng salaysay o, batay sa kaso, ng dati nang pagbabalik-aral. Ang Taunang Pagbabalik-aral ay ikinomisyon ng Board at inorganisa ng mga guro ng mga bata.
Pag-apela
Ang Pag-apela ay isang paraan ng pagtatanong kung ang isang desisyon na maituturing na hindi makatarunagn ay maaaring muling isaalang-alang. Ang mga magulang ay maaring umapela sa local Board, sa DARS o sa SENDIST.
Code of Practice
Ang Code of Practice sa Identification and Assessment of Special Educational Needs ayon sa pagkalathala ng Department of Education (Northern Ireland).
Mga Kriterya
Ang mga kriterya ay mga pamantayan na kailangang sundin upang ang isang bata ay maging karapat-dapat sa pagtanggap ng espesyal na probisyon.
DARS
Ang DARS ay: Dispute Avoidance and Resolution Service. Ang DARS ay isang malayang serbisyon na itinatag upang malutas ang mga pagtatalo sa pagitan ng mga magulang at mga Education at Library Boards.
Paghahambing ng mga Kaibahan
Ang paghahambing ng mga Kaibahan ay tumutukoy sa mga isinaayos na espesyal na pagtuturo upang ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral ay maibigay.
Disapplication
Ang Disapplication ay ang pagtanggal o pag-aalis ng isang programa sa pag-aaral, ng isang tinatarget na mararating, pagtatasa o iba pang mga komponente ng kurikulum.
Educational Assessment o Pagtatasang Pang-Edukasyon
Ang Educational Assessment ay ang masusing pag-aaral kung ano ba ang natutunan ng isang tao, kung saan ang isinasaalang-alang ay ang madetermina kung ano ba ang makat'wirang dapat sana'y matutunan sa hinaharap.
Educational Diagnosis
Ang Educational Diagnosis ay kung saan ang isang pagtatasa ay nangangalap ng mga dahilan kung bakit ang isang bata ay hindi natututo.
Planong Pang-edukasyon
Ang Planong Pang-edukasyon ay isang dokumento na inihanda ng mga guro ng bata na nagsasaayos ng mga pamamaraan upang matugunan ang kanyang espesyal na pangangailangang pang-edukasyon.
Grant-aided na Paaralan
Ang Grant-aided na Paaralan ay isang paaralan na aprubado at pinopondohan ng Kagawarang ng Edukasyon. Karamihan sa mga paaralan sa Probinsya ng Northern Ireland ay Grant-aided.
Integration o Pagsasama
Ang Integration o Pagsasama ay ang asosasyon ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon at ng mga mag-aaral na walang ganoong pangangailangan sa iisang kapaligiran sa edukasyon. Ang asosasyong ito ay maaring pang-edukasyonal o pang-lipunan. Ang Integration o Pagsasama ay tumutukoy din sa prinsipyo ng pagtuturo sa mga bata na mayroong espesyal na pangangailangang pang-edukasyon kasama ng mga batang walang ganoong pangangailangan kung maari.
Mga Problema sa Pagkatuto
Ang mga problema sa pagkatuto ay ang anumang mga problema sa pagkatuto na talaga namang mas madami pa kaysa doon sa nararanasan ng karamihan ng mga batang nasa kaparehong edad. Ang mga salitang 'Nahihirapang Matuto' ay sumasakop din sa kapansanan na humahadlang sa paggamit ng bata araw-araw sa mga pasilidad na pang-edukasyon.
Mainstream School
Ang Mainstream School ay anumang paaralan na pangunahing hinaharap ay ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na walang espesyal na pangangailangang pang-edukasyon.
Payong Medikal
Ang Payong Medikal ay nasusulat na kontribusyon ng isang kwalipikadong doktor sa isang Pagtatasang Ayon sa Batas. Tumutukoy din ang Payong Medikal sa lahat ng mga kontribusyon na ibinigay sa isang Pagtatasang Ayon sa Batas ng mga tauhan ng Health and Social Service Trust.
Mga Modipikasyon
Ang mga modipikasyon ay mga pagbabago sa programa ng pag-aaral, sa tinatarget na maaabot, pagtatasa o anumang iba pang komponente ng kurikulum upang mabigyan ang isang bata ng mas madaling akses sa naturang larangan ng kurikulum.
Named Officer
Ang Named Officer ay isang tao mulsa sa Education at Library na nakikipag-ugnayan sa mga magulang tungkol sa mga kasunduan kaugnay ng Pagtatasang Ayon sa Batas at ang paggawa ng Salaysay. Sinasabi ng mga Board sa mga Magulang kung sino ang Named Officer kapag binibigyan nila ng pabatid ang mga magulang na may plano silang magsagawa ng isang Pagtatasang Ayon sa Batas, sa kanilang anak.
Note in Lieu
Ang Note in Lieu ay isang dokumentong ini-isyu ng Education at Library Board bilang isang alternatibo sa paggawa at pagpapanatili ng buong Salaysay ng Espesyal na Pangangailangang Pang-edukasyon. Ang In Lieu ay Pranses para sa "instead of o sa halip na." Kailangang ilarawan ng pahayag ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng bata, ipaliwanag kung bakit ang Board ay hindi gagawa ng isang salaysay at magrerekomenda ng naaangkop na probisyon para sa bata. Ang lahat ng mga tinaggap na payo habang nasa proseso ng Pagtatasang Ayon sa Batas ay dapat na ilakip sa pahayag..
Parental Submission
Ang Parental Submission ay isang nasusulat na kontribusyon na ginawa ng mga magulang sa Pagtatasang Ayon sa Batas, sa kanilang anak.
Progreso - Ang isang bata ay sinasabing nagkakaroon ng Progreso kung siya ay natututo ng mga bago at kapaki-pakinabang na kakayanan. Para sa mga batang may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ang progreso ay maaaring mabagal at mahirap sukatin. Sa ibang mga kaso, ang probisyon para sa espesyal na edukasyon ay maari kung saan ang batang may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ay nagkaroon ng kalugod-lugod o mas magandang progreso.
Proposed Statement
Ang Proposed Statement ay Salaysay ng Espesyal na Pangangailangang Pang-edukasyon na gustong gawin at panatilihin ng Board sa isang bata.
Payong Saykolohikal
Ang Payong Saykolohikal ay isang nasusulat na kontribusyon ng isang Educational Psychologist sa isang Pagtatasang Ayon sa Batas
SENCO
Special Educational Needs Co-ordinator: Isang guro na may responsibilidad sa pakikipag-ugnayan ng mga bagay-bagay tungkol sa suporta sa mga espesyal na pangangailangan sa loob ng isang paaralan.
SENDIST
Ang SENDIST ay: Special Education Needs and Disability Tribunal. Ang SENDIST ay isang independyenteng samahan na itinatag upang magdesisyon sa mga apela ng mga magulang laban sa mga desisyon sa mga pagtatasa at mga salaysay. Ang desisyon ng SENDIST ay may bisa sa parehong panig sa ilalim ng batas.
Espesyal na Pangangailangang Pang-Edukasyon
Ang Espesyal na Pangangailangang Pang-Edukasyon ay ang anumang kahirapang matuto na nararanasan ng isang bata na nananawagan para ang isang Espesyal na Probisyong Pang-Edukasyon ay ibigay.
Special Educational Needs Register
Ang Special Educational Needs Register ay isang listahan ng mga mag-aaral na nananatili sa paaralan. Bukod sa iba pang impormasyon, nasa rehistro ang mga detalye ng bawat bahagi kung saan ang sinumang partikular na mag-aaral na may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ay naka-rehistro.
Probisyon para sa Espesyal na Edukasyon
Ang Probisyon para sa Espesyal na Edukasyon ay anumang resources o mapagkukunan na kailangan upang maibigay ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng isang bata. Karaniwang ito ay iba sa, o karagdagan sa, probisyon na na sa pangkalahatan ay ibinibigay para sa mga bata na magkakapareho ang edad.
Espesyal na Paaralan
Ang Espesyal na Paaralan ay isang paaralan na natatanging inorganisa upang magbigay ng probisyon sa mga mag-aaral na may mga pangangailangang pang-edukasyon.
Espesyal na Yunit
Ang Espesyal na Yunit ay isang klase o mga klase sa isang mainstream school natatanging inorganisa upang magbigay ng espesyal na probisyon para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan pang-edukasyon.
Stage
Isang partikular na stage sa loob ng staged assessment o pagtatasa ng mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral. Makikilala ang bawat stage sa pamamagitan ng dami at pagkakaiba-iba ng mga resources o mapagkukunan na ipinadala upang maibigay ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral na naka-rehistro sa naturang antas.
Stage 1
Mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon na napapagbigyan sa pamamagitan lamang ng paghahambing ng kaibahan ng guro ng klase/form.
Stage 2
Mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon na napapagbigyan sa pamamagitan ng paghahambing ng kaibahan ng guro ng klase/form na suportado ng SENCO ng paaralan.
Stage 3
Mga mag-aaral na may mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon na napapagbigyan sa pamamagitan ng paghahambing ng kaibahan ng guro ng klase/form na suportado ng SENCO ng paaralan at gumagamit ng Planong Pang-Edukasyon na ipinaalam ng isang taga-labas na propesyunal gaya ng isang educational psychologist.
Mga Serbisyong Suporta para sa Stage 3
Ang Mga Serbisyong Suporta para sa Stage 3 ay ibinigay ng isang Board na kayang i-akses sa Stage 3 basta't ang mga mag-aaral ay nakakatupad sa mga kinakailangang kriterya. Ang Mga Suportang Serbsiyo para sa Stage 3 ay karaniwang mga guro na may mga tukoy na kakayahan. Sila ay nagbibigay ng naaangkop, payo na mula sa isang espesyalista at suporta sa bata at paaralan. Kalimitan, ang ganitong tulong ay ibinibigay at binabalik-aral sa isang tukoy na panahon o sa isang hindi gaanong matagal o maiksing panahon.
Stage 4
Ang mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ay sumasailalim sa isang Statutory Assessment
Stage 5
Ang mga mag-aaral na may ginawang salaysay tungkol sa espesyal na pangangailangang pang-edukasyon at pinananatili ng Education at Library Board.
Mga Serbisyong Suporta para sa Stage 5
Ang Mga Serbisyong Suporta para sa Stage 5 ay ibinigay ng isang Board na kayang i-akses sa Stage 5 basta't ang mga mag-aaral ay nakakatupad sa mga kinakailangang kriterya. Ang Mga Suportang Serbsiyo para sa Stage 5 ay karaniwang mga guro na may mga tukoy na kakayahan. Sila ay nagbibigay ng naaangkop, payo na mula sa isang espesyalista at suporta sa bata at paaralan. Madalas na ipinagkakaloob ang tulong na ito nang panmatagalang-panahon.
Staged Assessment
Ang Staged Assessment ay tumutukoy sa proseso ng pagtatasa kung saan ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ay iniisa-isa sa mga partikular na stage ayon sa tuloy-tuloy na pangangailangan.
Salaysay
Ang Salaysay ay isang dokumento na ginawa at pinananatili ng Board na inilalaang pang-proteksyon sa mga resources o mapagkukunan na kinakailangan upang maibigay ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng mga bata.
Pagtatasang Ayon sa Batas
Ang Pagtatasang Ayon sa Batas ay isang pagtatasa na sumasakop sa maraming larangan (sa Stage4) kung saan ang Education at Library Board ay nag-eeksamen ng mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng isang bata sa pamamagitan ng pagtatasa ng maraming larangan at nagdedesisyon kung gagawa ba o hindi at kung magpapanatili ba o hindi ng isang Salaysay tungkol sa mga Espesyal na Pangangailangang Pang-edukasyon.
Muling Pagtatasa na Ayon sa Batas
Ang Muling Pagtatasa na Ayon sa Batas ay isang Pagtatasang Ayon sa Batas na ipinatutupad sa isang bata na ang Salaysay tungkol sa mga Espesyal na Pangangailangang Pang-edukasyon ay gawa na at pinananatili na ng isang Education at Library Board.
Transition Plan
Ang Planong Transisyon ay isang planong binalangkas ng paaralan, sa pakikipagtulungan ng mga magulang at mga dalubhasa bilang isang hakbang upang ihanda sa buhay matanda ang isang mag-aaral na may espesyal na pangangailangang pang-edukasyon. Ang Planong Transisyon ay bahagi ng unang Taunang Pagrerepaso matapos na sumapit ang bata sa kaniyang ika-14 na kaarawan.
Payo para sa Kapakanan
Ang Payo para sa Kapakanan o Welfare Advise ay ang nakasulat na ambag ng isang Social Worker sa isang Statutory Assessment o Pagtatasang ayon sa Batas