.

Mga Unang Katanungan (First Questions)

Sinabi na sa akin na maraming tao ang maaaring masangkot sa Statutory Assessment o pagtatasang ayon sa batas, ng aking anak.  Sino kaya ang mga taong ito?

 

Paano ako makakakuha ng Classroom Assistant para sa aking Anak?

 

Paano kung hindi ako masaya sa mga naisagawang pagsasaayos upang maibigay ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng aking anak?

 

Maaari ba akong magsama ng isang kaibigan ko sa alinmang pulong?

 

Sinabi na sa akin na maraming tao ang maaaring masangkot sa Statutory Assessment o pagtatasang ayon sa batas, ng aking anak.  Sino kaya ang mga taong ito?

Ito ay nakalista sa '"Mga tao na maaaring magkaroong ng Kaugnayan sa iyo".

 

Paano ako makakakuha ng Classroom Assistant para sa aking Anak?

Ang classroom assistance ay karaniwang ipinagkakaloob matapos maisagawa ang Statutory Assessment o pagtatasang ayon sa batas at kung nabanggit ang probisyong ito sa Salaysay.

 

Paano kung hindi ako masaya sa mga naisagawang pagsasaayos upang maibigay ang mga espesyal na pangangailangang pang-edukasyon ng aking anak?

Kung titingnan mo ang website na ito, makakakita ka ng maraming payo sa iba'-t-ibang stage ng Code of Practice kung sakaling hindi ka masaya.  Dapat mong tandaan na karamihan sa mga bata ay nagpapakita ng mas kalugod-lugod na progreso kung ang ekstrang tulong ay isinalugar upang matulungan sila.  Ganunpaman, kung nag-aalala kayo na hindi ito ang suliranin ay marapat na pag-usapan muna ninyo ang inyong mga alalahanin kasama ang punong guro/guro o SENCO.

 

Maaari ba akong magsama ng isang kaibigan ko sa alinmang pulong?

Kalimitan, walang problema sa pagsasama ng isang kaibigan para may sumuporta sa iyo, nguni't kailangang ipaalam mo muna ito sa nag-organisa ng pulong.

 

Please Rate This Page!