Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

Malimit Itanong na Katanungan ( Frequently Asked Questions)

Ano ang layunin ng DARS?

 

Kailan nagsimula ang serbisyong ito?

 

Kailan maaaring isaalang-alang ng isang magulang/tagapag-alaga ang paggamit ng serbisyong ito?

 

Maaari bang mag-refer ang isang magulang/tagapag-alaga sa DARS?

 

Matapos na makapag-refer sa DARS, pasasabihan ba ang ibang mga kasaling panig?

 

Ano ang mangyayari kung ang isa sa mga panig ay hindi sumang-ayon na sumali sa prosesong DARS?

 

Kung ang lahat ng mga panig ay sumang-ayon na makabilang sa proseso, sino ang gagawa ng pinakahuling desisyon tungkol sa anumang kasunduan?

 

Kung ang mga Magulang/Tagapag-alaga ay nakabilang sa prosesong DARS, makakaapekto ba ito sa kanilang karapatan na umapela sa Special Educational Needs and Disability Tribunal (Tribunal)

 

Makakatulong ba ang DARS sa mga bagay na may kaugnayan sa iba pang mga suliranin sa paaralan na mararanasan ng mga Magulang/Tagapag-alaga sa kanilang mga anak?

 

Kumikilos ba ang serbisyong DARS sa bawat isang Education at Library Boards?

 

Saan isasagawa ang mga pagpupulong na kasama ang DARS team?

 

Ano ang layunin ng DARS?

Ang layunin ng serbisyong DARS ay ang magkaloob ng isang independyente, kumpidensiyal at impormal na pamamaraan kung saan ang mga 'di-pagkakasunduan na may kaugnayan sa Special Educational Needs at probisyon nito ay maaaring maiwasan o maresolbahan.

 

Kailan nagsimula ang serbisyong ito?

Ang serbisyong ito ay nagsimula noong Setyembre 1, 2005 bilang resulta ng pagpapatupad sa Special Educational Needs and Disability Order (Northern Ireland) 2005 (SENDO).  Inatasan ng Kautusang ito ang lahat ng Boards na magsalugar ng mga kaayusan na ang pananaw ay ang maiwasan o maresolbahan ang mga alitan sa pagitan ng mga Magulang at ng Education at Library Boards at ng mga Paaralan. 

 

Kailan maaaring isaalang-alang ng isang magulang/tagapag-alaga ang paggamit ng serbisyong ito?

Maaaring pinaka-kailanganin ng mga magulang/tagapag-alaga ang serbisyong ito kung mayroong 'di-pagkakasunduan kaugnay ng Special Education Needs at/o sa probisyon na ibinibigay para sa isang bata o kabataan.  Sa nakagawian, maging ang 'di-pagkakasunduan ay sa paaralan man ng anak o sa Education at Library Board, sa unang pagkakataon ay dapat munang tangkain na maresolbahan ang anumang larangang mayroong kahirapan o 'di-pagkakasunduan sa paaralan o sa Education at Library Board.  Kung, matapos na maisagawa ang lahat ng mga makat'wirang pagsisikap upang mahanap ang isang pagkakasunduang solusyon, at ang mga magulang/tagapag-alaga ay nananatiling hindi nasisiyahan, maaari na nilang gustuhin na kontakin ang serbisyong DARS.

 

Maaari bang mag-refer ang isang magulang/tagapag-alaga sa DARS?

Oo.  Maaaring mag-refer ang isang magulang/tagapag-alaga sa DARS. 

Sa unang pagkakataon, kailangang kontakin si:

Oliver Sherry, DARS Manager

Southern Education and Library Board

3 Charlemont Place

The Mall, Armagh, BT61 9AX

Telepono: 028 3751 2383

E-mail: oliver.sherry@selb.org

Matapos na makapag-refer sa DARS, pasasabihan ba ang ibang mga kasaling panig?

Oo.  Ang paaralan o ang Education at Library Board ay iimbitahing sumali sa prosesong DARS. 

 

Ano ang mangyayari kung ang isa sa mga panig ay hindi sumang-ayon na sumali sa prosesong DARS?

Ang paggamit sa DARS ay kusang-loob, samakat'wid, kung ang isa sa mga panig ay hindi sumang-ayon na sumali sa proseso, hindi na magiging posible pa ang magpatuloy ito.

 

Kung ang lahat ng mga panig ay sumang-ayon na makabilang sa proseso, sino ang gagawa ng pinakahuling desisyon tungkol sa anumang kasunduan?

Magiging responsibilidad ng lahat ng panig na 'di-nagkakasunduan na magkaroon ng resolusyon.  Ang mga sangkot lamang sa 'di-pagkakasunduan ang may awtoridad na magdesisyon tungkol sa pinakahuling kahihinatnan.  Ang DARS team ang magpapadali sa pagkontak at mga pagpupulong sa pagitan ng lahat ng mga panig, at magbibigay ng isang buod na salaysay ng kinahinatnan. 

 

Kung ang mga Magulang/Tagapag-alaga ay nakabilang sa prosesong DARS, makakaapekto ba ito sa kanilang karapatan na umapela sa Special Educational Needs and Disability Tribunal (Tribunal) 

Hindi.  Ang anumang pagkakasangkot sa DARS ay hindi makakaapekto sa kanilang karapatang umapela sa Tribunal.

 

Makakatulong ba ang DARS sa mga bagay na may kaugnayan sa iba pang mga suliranin sa paaralan na mararanasan ng mga Magulang/Tagapag-alaga sa kanilang mga anak?

Hindi.  Ang serbisyong DARS ay tumutugon lamang sa mga isyu na may kaugnayan sa Special Educational Needs ng isang bata.

 

Kumikilos ba ang serbisyong DARS sa bawat isang Education at Library Boards?

Oo.  Ang DARS ay isang cross-Board na serbisyo na may operasyon sa buong Northern Ireland.  Bukod sa isang regional manager, may isang opisyal ng DARS na nakahimpil sa loob ng bawat lugar ng Education at Library Board.  Bagama't ang mga opisyal ng DARS ay makikita sa mga Education at Library Boards, ang serbisyong DARS ay independyente sa mga sangay ng Special Educational Needs na nakapaloob sa mga Board.

 

Saan isasagawa ang mga pagpupulong na kasama ang DARS team?

Ang pagpupulong ay isinasagawa sa mga nyutral na lugar, na nauna nang pinagkasunduan.

 

Ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa serbisyong DARS ay matatagpuan sa Supplement to the Code of Practice on the Identification and Assessment of Special Educational Needs (mga talatang 4.33 – 4.46).

 

Mga Kaugnay na Dukumento

DENI - Supplement to the Code of Practice (.pdf)

Tungkol sa Pagkilala at Pagtatasa ng mga Pangangailangan sa Espesyal na Edukasyon.  Mula pa noong Setyembre 1, 2005, and Special Educational Needs and Disability (Northern Ireland) Order 2005 (SENDO) ay gumagawa na ng mga pagbabago sa mga kasalukuyang lehislasyon, ayon sa nakasaad sa Education (Northern Ireland) Order 1996 para sa mga bata na may Espesyal na Pangangailangang Edukasyon o Special Educational Needs (SEN).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please Rate This Page!