Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

Awstimo (Autism)

Ang sumusunod na teksto ay kinuha sa 'Report of the Task Group on Autism' na ganap nang makukuha sa ibaba.

 

Ano ang Awstimo?

 

Ang Autistic Spectrum Disorder ay isang komplikadong kapansanan na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng bata, na may mahalagang epekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan at nakikisalamuha sa ibang tao.  Ang mga salitang ‘autistic spectrum’ ay kalimitang ginagamit sapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaiba-iba sa mga tao.  Ang Asperger syndrome ay isang kalagayan na nasa hulihang bahagi ng spectrum kung saan mas maayos ang kalagayan o "more able end".  Sa bahaging hulihan ng spectrum kung saan hindi gaanong maayos ang kalagayan o "less able end" ay ang Kanner's syndrome o pinagsama-samang sintomas ng sakit na ito, na tinutukoy na 'klasikong awtismo'.

 

Ang mga kondisyon at balangkas ng pag-uugali kaugnay ng "early infantile autism" o "maagang awtismo na nagmula pa sa pagkasanggol" ay unang inilarawan ng psychiatrist sa bata na si Leo Kanner (1943).  Ayon kay Kanner, kabilang sa mga pangunahing katangian ng ganitong kundisyon ang matinding kaibahan sa pakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso ng pag-iisip at mga may ritwal na balangkas ng pag-uugali.  Sa halos kasabay na panahon sa Europa, isang halos katulad na grupo ng mga bata ang inilarawan no Hans Asperger (1944) at natatangi sila dahil sa kanilang kakaiba, inosente at hindi naaangkop na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulol-bulol at putol-putol na pananalita, kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at mahinang kakayanan sa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip.  Inilarawan din sila na nahihirapan sa paggamit ng kasanayan sa isang paraang maaaring baguhin at kapaki-pakinabang.  Ang ginawa ni Leo Kanner (1943) at ni Hans Asperger (1944) ang siyang bumuo ng batayan ng ating pagkaunawa sa Autistic Spectrum Disorder sa kasalukuyan.  Habang marami pang mga debate tungkol sa kahulugan ng awtismp, at lalong-lalo na sa Asperger Syndrome, tanggap na ngayon sa pangkalahatan na ang awtismo pati na ang Asperger syndrome ay kabilang sa isang mas malaking grupo ng mga sakit na may kaugnayan sa pakikisalamuha at pakikipagtalastasan sa lipunan, na karaniwang kilala bilang Autistic Spectrum Disorders (ASD).

 

Isa sa pinakamahalagang kontribusyon sa kaalamang klinikal tungkol sa awtismo bilang spectrum disorder, ay ang kayLorna Wing (1979).  Pagkatapos na magsagawa ng isang masusing pag-aaral sa epidemiyolohiya, ang naging konklusyon ni Wing ay, ang kakaibang pakikisalamuha o pagkilos sa lipunan o social impairment ay isang sakit na may kaugnayan sa paglaki o pag-unlad ng isang tao, at ang iba't-ibang mga nakikita dito, tawagin man ang mga ito na sintomas o hindi, ang lahat ay bahagi ng isang "spectrum" ng mga kaugnay na sakit.  Napag-alaman ni Wing na may 3 larangan ng paglaki o pag-unlad sa tao na may kaugnayan sa kaibhang ito ng pagkilos o pakikisalamuha sa lipunan, na lumilikha ng isang nakagapos o isang cluster ng mga katangiang magbibigay ng m ga kriteryang magagamit sa pagtingin (diagnostic criteria), upang matukoy ang awtismo.  Ang cluster na ito ay tinutukoy na tatlong bahagi ng impairment:

 

  • impairment ng Social Interaction;

 

  • impairment ng Social Communication;

 

  • impairment ng Social Understanding and Imagination.

 

Mga Kaugnay na Dokumento

DE - Report of the Task Group on Autism (.pdf)

Ang Task Group on Autism ay itinatag noong Nobyembre 2000 upang bumuo ng mga rekomendasyon para sa mga probisyong pang-edukasyon ng mga bata at kabataang mayroong awtismo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Awstimo
Please Rate This Page!