Pahayag ng Pinahahalagahan (Value Statement)
- Mahalaga ang edukasyon para magkaroon ng pagkakataon sa buhay.
- Ang mga magulang ang pangunahing tagapagturo sa kanilang mga anak at kailangang magampanan nila nang ganap ang kanilang mga responsibilidad na may kaugnayan sa edukasyon.
- Lahat ng bata at kabataan ay dapat na magkaroon nang pantay-pantay na oportunidad na makinabang sa isang naaangkop na edukasyon maging anupaman ang kanilang lahi, kasarian, relihiyon, sekswal na oryentasyon, kapansanan, kultura, edad, kinabibilangan sa lipunan o espesyal na pangangailangang pang-edukasyon.
- Ang mga bata at kabataan ay dapat na isali sa anumang mga desisyong nakakaapekto sa kanila.
- Ang pinakamaganda para sa kapakanan ngbata o kabataan ay maipagkakaloob sa pinakamahusay na pamamaraan sa pamamagitan ng epektibong partnership o samahan ng mga bata at kabataan, magulang, pamilya, mga tauhan ng paaralan at iba pang mga ahensiya.