Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

Asikasuhing Bata (Looked After Children)

Kahit kailan na nahihirapang pangalagaan ang isang bata sa tahanan at ang ganito ay hindi posible, o para sa kapakanan ng bata ay dapat na manatili na lamang sila sa tahanan, maaaring magdesiyon na ang isang ahensiyang gumagawa ng mga bagay-bagay na naayon sa batas ay makasali sa pag-aasikaso ng bata sa ilalim ng batas.

 

Sino ang 'asikasuhing bata?

 

Ano ang lehislasyon para sa mga 'asikasuhing' bata?

 

Ano ang mga implikasyon ng mga lehislasyon sa mga magulang?

 

Paano nagiging 'asikasuhin' ang isang bata?

 

Bakit kailangan ang espesyal na atensyon ang isang 'Asikasuhing' Bata?

 

Paano matutulungan ng EWS ang mga 'asikasuhing' bata sa kanilang Edukasyon?

 

Saan ako makakakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa mga Asikasuhing Bata?

Sino ang 'asikasuhing bata?

Isinasaad sa Children (NI) Order 1995 na ang isang 'looked after' o asikasuhing bata ay ang bata na 'nasa pangangalaga ng isang Trust o pinagkakatiwalaan o isang bata na kinupkup ng isang Trust.  Ang mga asikasuhing bata ay maaaring tumira sa:

 

  • isang residensyal na tahanan
  • sang residensyal na paaralan
  • isang foster placement
  • lugar ng isang kapamilya kung saan may isang kamag-anak na paminsan-minsan ay nasa naturang tahanan

 

Ano ang batas para sa mga 'asikasuhing' bata?

Ang 'asikasuhing' bata ay maaaring saklaw ng:

 

  • isang pansamantalang Care Order
  • isang ganap na Care Order
  • isang Residence Order
  • Boluntaryong Pagtanggap

 

Ano ang mga implikasyon ng lehislasyong ito sa isang magulang?

Nasa Children (NI) Order 1995 ang mga prinsipyo pati na ang mga kailangan ng batas na naroroon upang mabigyan ng proteksyon ang mga bata at maitaguyod ang kanilang kapakanan.  Nagbibigay ang mga ito sa mga magulang ng patnubay at direksyon kung paano nila palalakihin ang kanilang anak, mapananatiling ligtas at paano makikipagtulungan sa mga serbisyo para sa mga bata, halimbawa, mula sa Health at Social Services Trusts at Education at Library Boards.

 

Ang kapakanan ng bata ang prayoridad ng lehislasyon na may kaugnayan sa mga bata at ang mga Magulang ay dapat na makipagtulungan sa iba pang makakatulong, ayon sa pangangailangan upang matiyak ito pati na ang pagkakaroon nila ng karapatan na isaalang-alang ang kanilang mga kahilingan at masangguni tungkol dito.

 

Ang bata ay maaaring alagaan sa ilalim ng isang kautusan mula sa hukuman o court order o kaya'y maaaring kupkupin ng isang Trust o pinagkakatiwalaan, matapos na pagkasunduan ito kasama ang mga magulang.  Kung ang isang Care Order ay ipinataw bata, ang 'responsibilidad ng magulang' sa bata ay magiging isang bagay na pagbabahagihan ng isang magulang at isang Trust.  Ito ay binigyang-kahulugan sa batas na 'lahat ng mga karapatan, tungkulin, kapangyarihan, responsibilidad at awtoridad na ayon sa batas ay taglay ng magulang ng isang bata kung may kinalaman sa bata_'

 

Mayroong ilang mga ahensya katulad ng Children’s Law Centre na nagbibigay sa mga magulang ng detalyadong patnubay at pagpapayo tungkol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad na may kinalaman sa kanilang anak at ang mga implikasyon ng maraming sumasaklaw ditong mga lehislasyon.

 

Paano nagiging 'asikasuhin' ang isang bata?

Bago magdesisyon na ang isang bata ay asikasuhin, ang mga pangangailangan ng bata ay dapat munang tasahin ng isang social worker: pagkatapos ay magkakaroon ng pagsangguni at pagdedesisyon kung paanong maibibigay ang mga pangangailangan ng bata.  Ang mga ginawang desisyon ay isasa-pormal sa mga planong pangangalaga at pagsasalugar, kung saan maaaring isama ang mga pagbabago sa isinaayos na pamumuhay at pangangalaga ng bata, at ang sinusundan nito ay ang balangkas ng umiiral na batas upang mabigyan ng proteksyon at mabantayan ang kaligtasan at kapakanan ng bawat bata.

 

Ang Health at Social Services Trusts ay may nakasulat na mga Patakaran at Pamamaraan na nagbibigay ng detalye ng lahat ng mga yugto ng prosesong ito ng pag-ayon sa batas.  Ang mga isyung pang-edukasyon ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin sa bawat plano ng pangangalaga para sa mga asikasuhing bata.

 

Bakit kailangan ng mga batang ito ang espesyal na atensyon?

Isinasaad sa mga nakaraang pananaliksik sa Northern Island na kapansin-pansin ang dami ng mga 'asikasuhing' bata na mababa ang naabot na edukasyon, na maaaring makasama sa mga pagkakataon nila sa buhay sa hinaharap.

 

Ang mga bata na nasa pampublikong pangangalaga ay karapat-dapat sa parehong karanasang pang-edukasyon at sa mga pagkakataon sa buhay na tulad ng sa lahat.  Maaaring mayroon silang mga partikular na pangangailangan dahil sa kanilang mga karanasan sa buhay.

 

Paano matutulungan ng Education Welfare Service ang mga asikasuhing bata sa kanilang edukasyon?

Ang Education Welfare Service ay nagbibigay ng payo at tulong sa mga indibiduwal na bata at sa kanilang mga tagapag-alaga.  Kami ay nakikipagtulungan din sa iba pa na mayroong propesyunal na responsibilidad sa mga 'asikasuhing' bata na nakapaloob sa Social Services at sa iba pang mga ahensiyang may kaugnayan sa batas at mga nagboluntaryong ahensiya, halimbawa, ang pagbibigay ng pagsasanay at payo sa mga isyung kaugnay ng edukasyon.

 

Saan ako makakakuha ng iba pang impormasyon?

Ang bawat Education at Library Board Education Welfare Service ay may probisyon para sa isang espesyalista at dapat siyang indibidwal na kontakin batay sa lugar kung saan ka nakatira.  Mayroon silang maraming mga resources o mapagkukunan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Asikasuhing Bata
Please Rate This Page!