Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

Korte (Court)

Korte ng mga Magulang at ng hukom


Ano ang inihahayag ng batas:


Ayon sa  Artikulo 45 ng Ordinansa para sa Edukasyon at Aklatan (NI) ng 1986, binibigyan ng tungkulin ang mga magulang/katiwala ng isang batang nasa nararapat na edad na mag-aral,na magdulot sa batang makatanggap ng mahusay at ganap na edukasyon.

 

Inilalahad sa Palatuntunan 13 ng Ordinansa para sa Edukasyon at Aklatan (NI) ng 1986  na kung sinumang batang nasa nararapat na edad na mag-aral at ay isang nakarehistrong estudyante sa isang paaralan, ay hindi panayang makapasok, kung gayon, ang magulang ng bata ay magkakaroon ng sala.

Mga Dahilan na maaaring maghantong sa isang legal na aksyon

Kung saan ang mga magulang ay umiiwas sa anumang komunikasyon sa Serbisyo para sa Kapakanan ng Edukasyon at hindi sumasagot sa mga sulat o paanyaya para sa mga pulong.

Kung saan ang mga magulang ay tumatanggi na makisama o makipagtulungan para sa iminungkahing pamamagitan para sa kanilang anak.

 

Kung saan ang mga magulang ay lantarang mapang-away at/o agresibo sa pananalita tungo sa mga kawani ng EWS at nagpapatunay ito na hindi maaaring makisali sa anumang positibong aksyon o pamamagitan para sa interes ng bata.


Korte para sa paglilitis ng mga Magulang at Pamilya

 

Ipinakilala ang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon sa Hilagang Ireland noong Nobyembre 1996 nang ang Ordinansa sa sa mga Bata (Hilagang Ireland) ng 1995  ay naipatupad bilang isang batas.

Hinumok nila ang mga magulang at mga bata na magtulungan kasama ng isang namamahalang opisyal at ang isa't isa, upang parehong makinabang ang bata at ang pamilya nito.

Ano ang pag-uusig sa magulang?

 

Sino ang kinakailangang dumalo sa paglilitis sa korte?

 

Sino ang nasa paglilitis sa korte?

 

Ano ang mga maaaring magiging kinahihintanan sa paglilitis sa korte kung sakaling mapatunayang may sala?

 

Ano ang mangyayari pagkatapos humarap sa korte o isang paglilitis?

 

Ano ang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon?

 

Ano ang mangyayari?

 

Kinakailangan ko ba o ng aking anak na dumalo sa korte?

 

Sino ang nasa korte?

 

Kailan ipinagkakaloob ang isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon?

 

Hanggang gaano katagal ang isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon?

 

Ano ang mga Direksyon?

 

Ano ang mangyayari kung mabigo ang isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon? 

Ano ang pag-uusig sa magulang?
Ang isang aplikasyon upang usigin ang isang magulang (o tagapang-alaga) ay pinapasa ng serbisyo para sa kapakanan ng edukasyon sa Korte ng Hukom  kapag ang isang magulang ay lumabag sa mga nabanggit sa itaas na batas sa pamamagitan ng hindi pagtupad, maliban sa mga paulit ulit na paunawa, na tiyakin na aking kanilang anak ay parati at nasa oras na dumadalo sa paaralan.
 

 

Sino ang kinakailangang dumalo sa paglilitis sa korte?
Ang mga magulang ay makakatanggap ng isang nakasulat na sitasyon kung saan sila ay kinakailangang dumalo sa korte.

 

Ang mga bata ay hindi kinakailangang dumalo ngunit kailangang malaman ng kalubhaan ng legal na aksyon. 

 

Sino ang nasa paglilitis sa korte?
Mayroong Hukom na dadalo upang marinig ang kaso.

 

Isang nakatatandang opisyal para sa kapakanan ng edukasyon na magkakatawan ng konseho para sa edukasyon at aklatan ang magbibigay sa mga hukom ng isang kopya ng talaan ng pagpasok ng bata sa paaralan at iba pang mga kaugnay na katunayan.

 

Isang opisyal para sa kapakanan ng edukasyon ay karaniwang magiging handa para sa Korte kung sakali mang kinakailangan ng mga karagdagang impormasyon.

 

Isang solisitor ng tungkulin ay maaaring dumalo upang magbigay ng payo sa mga magulang na nasa korte bagama't ang mga magulang ay pinapayuhang humiling ng legal na payo bago maganap ang paglilitis.

 

Ang mga miyembro ng publiko at mga pahayagan ay maaari ring dumalo sa korte bagama't ang pag-uulat ng mga pahayagan ay maaaring ipagbawal ayon sa utos ng korte. 

 

Ano ang mga maaaring magiging kinahihintanan sa paglilitis sa korte kung sakaling mapatunayang may sala?
Ang mga Hukom ay kasalukuyang may kapangyarihan na:
 

 

  • Bigyan ng multa ang bawa't magulang nang hanggang £1000 bawa't bata

  • Kondisyonal na pagpapaalis para sa isang nakatakdang panahon. Ang ibig sabihin nito ay kung ang isang magulang ay nasakdal para sa isa pang pagkasala sa mga panahong nabanggit, ipagsasaalang-alang ng korte ang pagpapaalis ng may kondisyon.

  • Paalisin

  • Bilang karagdagan, ang Korte ay maaaring pangasiwaan ang konseho para sa edukasyon at aklatan upang muling ipagsaalang-alang ang aplikasyn para sa isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon.

 

Ano ang mangyayari pagkatapos humarap sa korte o isang paglilitis?
Ang pagpasok sa paaralan ng inyong anak ay inaasahang umabot sa isang karapat-dapat na antas at kinakailangan panatilihin. Kung hindi ito mapatupad, samakatuwid ay gagawa ng legal na aksyon ang Departamento ng Edukasyon.

 

Ano ang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon?
Ang mga Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon ay ang mga: 

 

  • Bahagi ng Ordinansa sa mga Bata (Hilagang Ireland) ng 1995

  • Pagdinig sa Korte sa Paglilitis sa Pamilya.

  • Naangkop lamang kapag mayroong antas ng pagtutulungan sa pagitan ng konseho para sa edukasyon at aklatan at ng pamilya.ù

  • Nilalayon para suportahan ang mga magulang na matupad ang kanilang mga legal na responsabilidad  

 

Ang mga Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon ay hindi:

 

  • Mga kriminal na Paglilitis.

  • Nilikha upang parusahan ang mga magulang o ang bata.

 

Ano ang mangyayari?
Ang Opiysal para sa Kapakanan ng Edukasyon na nagtatrabaho kasama ang pamilya ay maghahanda ng isang malawak na saklaw na ulat tungkol sa pangyayari, habang isinasaalang-alang ang listahan ng kapakanan.

 

Ang ulat na ito ay ipapamahagi sa pamilya na magkakaroon ng pagkakataon na itala ang anumang hindi pinagkasunduan.

 

Kasama sa ulat ang plano ng trabaho, kung saan ipapahayag sa Korte ang inaasahang pagkakaloob ng edukayon, iba pang ahensya na kasangkot at anumang direksyon na isasama.

 

Kinakailangan ko ba o ng aking anak na dumalo sa korte?
Oo, ikaw at ang iyong anak ay inaasahang sumalo sa korte para sa paglilitis sa pamilya. Ang kapaligiran ay hindi masyado pormal kaysa sa isang karaniwang korte. Ang mga korte sa paglilitis sa pamilya ay sadyang nilikha upang pakinggan ang mga ulat tungkol sa mga paksa tungkol sa pamilya.

 

Sino ang nasa korte?
Ang iyong opisyal para sa kapakanan ng edukasyo ay nasa korte kasama mo sa buong itinagal ng paglilitis.

  

Kadalasan ay magkakaroon ng tatlong hukom na didinig sa mga ebidensya na ibibigay ng konseho para sa edukasyon at aklatan. Isang solisitor mula sa pinagsamang legal na serbisyo ng konseho o isang nakatatandang opiysal para sa kapakanan ang kakatawan para sa konseho ng edukasyon at magpresenta ng kaso.

  

Ikaw ay binibigyan ng karapatan na magkaroon ng solisitor na kasama mo sa looob ng korte. Ang korte ay maaaring magtakda ng isang hiwalay na solisitor bilang kumatawang para sa interes ng bata kung kailan ito kinakailangan.

  

Kailan ipinagkakaloob ang isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon?
Dapat ikalugod ng Korte na:
 

 

  • Ang isang bata na nasa nararapat na edad na mag-aral ay hindi binibigyan ng wastong edukasyon.

  • Ang pagbigay ng ordinansa ay mas mahusay kaysa hindi pagbigay ng ordinansa.  

 

Binibigyan halaga rin ang tinatawag bilang listahan ng kapakanan o welfare checklist. Kasama rito:

 

  • Ang mga tiyak na mga kahilingan at nararamdaman ng bata.

  • Ang kaniyang (lalaki o babae) pangkatawan, pangdamdamin at pang-edukasyon na mga pangangailangan.

  • Ang mga maaaring maging epekto ng pagbabago sa mga pangyayari.

  • Ang kaniyang (lalaki o babae) edad, kasarian o karanasan.

  • Anumang sakit na naranasan o may panganib ng pagdurusa.

  • Ang mga kakayahan ng mga magulang o iba pang mga may kaugnayan sa kaniya sa pagbibigay ng kaniyang mga pangangailangan.

  • Iba pang mga kapangyarihan na mayroon ang Korte:  

 

Ang konseho para sa edukasyon at aklatan ay kailangang komunsulta sa Departamento ng Serbisyong Panlipunan bago mag-aplay para sa isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon upang tiyakin kung mayroon silang mga pagtutol o kontribusyon sa plano.

 

Hanggang gaano katagal ang isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon?
Sa simula, ang ordinansa ay tatagal ng isang taon. Bago matapos ang taong iyon, isang aplikasyon ay maaaring gawin upang patagalin ang ordinansa nang hanggang tatlong taon.
 

 

Gayunpaman, ang isang ordinansa ay hindi puwedeng magpatuloy kung ang inyong anak ay lumampas na sa nararapat na edad na mag-aral.

  

Puwede ka, ang konseho para sa edukasyon o mismong ang inyong anak magpasa ng isang aplikasyon upang tanggalin ang ordinansa bago pa man ito takdang matapos. Kung nais mo ito gawin, kinakailangan mong mag-aplay sa korte. Kung pumayag ang korte na hindi na kinakailangan ng isang ordinansa, maaari itong tanggalin ng korte.

 

Ano ang mga Direksyon?
Ang Opisyal na Namamahala ay binigyan ng kapangyarihan upang mag-utos sa bata o sa mga magulang/katiwala.

 

Ang mga ito ay maaaring: 

 

  • Ang pagdalo sa mga pulong o tipanan.

  • Ang pagkuha ng isang pagtasa o pagsusuri.

  • Ang payagan ang opisyal na namamahala ng regular na akses sa bata.  

 

Ang mga direksyon ay nararapat na: 

 

  • Gamitin kung kailan lamang kinakailangan.

  • Maging makatarungan.

  • Bigyan ng katotohanan na nasa isang kasulatan.  

 

Ano ang mangyayari kung mabigo ang isang Ordinansa sa Pamamahala sa Edukasyon?
Ang paksa ay maaaring isangguni pabalik sa Korte para sa Paglilitis sa Pamilya.
 

 

Ang mga magulang ay puwedeng ipag-usig sa Korte ng Hukom kung hindi nila nasundan ang mga utos. 

 

Ang Serbisyong Panlipunan ay kinakailangang siyasatin ang mga pangyayari hinggil sa bata at ituring kung kinakailangan kumilos upang bantayan ang kapakanan ng bata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please Rate This Page!