Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

Proteksyon ng Bata (Child Protection)

Lahat ng nasa hustong gulang na, na nagtatrabahong kasama ang mga bata at mga kabataan ay may responsibilidad sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang kapakanan.  Bawat Paaralan ay mayroong responsibilidad na maisulong at mabantayan ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mga mag-aaral.  Ang tungkuling ito ay itinakda sa lehislasyon Education and Libraries (NI) Order 2003 – Part IV Welfare and Protection of Pupils Articles 17, 18 at 19 – Duties on Boards of Governors.

 

Gumugugol ng maraming oras ang mga guro kasama ang mga bata sa kanilang klase / paaralan at sila ay nasa tamang lugar para kumilala at tumugon sa anumang sanhi ng alalahanin na maaaring mangyari.  Bawat Paaralan ay may mga tauhang may espesyal na kasanayan - isang guro na itinakda at itinakda ng deputy para sa proteksyon ng bata - na siyang nagpapatupad sa patakaran ng paaralan para sa proteksyon ng bata.  Ang patakaran para sa proteksyon ng bata ay malinaw na magtatakda kung paanong ang paaralan ay tutugon sa mga isyung kaugnay ng proteksyon ng bata.  Lahat ng magulang ay dapat na mabigyan ng kopya ng patakarang ito.

 

Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga paaralan sa proseso ng pagbibigay ng proteksyon sa bata at kailangang panindigan nila ang kanilang tungkulin na mangalaga sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba't ibang mga propesyunal, upang maitaguyod at mabantayan ang kaligtasan at kapakanan ng lahat ng mga bata.

 

Ano ang Proteksyon ng Bata?

 

Anong nangyayari sa isang Imbestigasyon tungkol sa Proteksyon ng Bata o Child Protection Investigation?

 

Ano ang mangyayari kung ang konklusyon ng imbestigasyon ay wala namang dapat na ikabahala?

 

Ano ang layunin ng Eksaminasyong Medikal?

 

Kailangan bang sumang-ayon ang Mga Magulang sa isang Medikal na Eksaminasyon

 

Ilalayo ba ang mga bata sa kanilang mga magulang?

 

Ano ang Child Protection Register?

 

Ano ang Child Protection Plan?

 

Ano ang Key Worker?

 

Ano ang "pagtatasa ng panganib" o "risk assessment"?

 

Sino pa ang ibang kasangkot?

 

Ano ang Child Protection Case Conference?

 

Bakit nagsasagawa ng ganitong kumperensiya?

 

Ano ang magagawa ng isang magulang?

 

Ano ang nangyayari sa ganitong mga kumperensiya?

 

Ano ang susunod na mangyayari?

 

Tulong para sa transportasyon/pag-aalaga sa bata

 

Mga Interpreter

 

Ano ang mangyayari pagkatapos ng kumperensiya?

 

Mga Pamamaraan ng Pag-apela

 

Ano ang Proteksyon ng Bata?

Ang 'Protesyon ng Bata' ay mga salitang ginagamit natin na pantukoy sa anumang alegasyon ng pang-aabuso sa bata na nangangailangan ng imbestigasyon.  Ganunpaman, ang proteksyon para ng bata ay hindi lamang tungkol sa imbestigasyon sa isang tukoy na insidente kung saan ang bata/mga bata ay maaaring sinaktan.  Kasama na dito ang isang masusing pagtatasa ng mga pangangailangan ng mga bata at ng kanilang mga pamilya upang ang isang epektibong tulong at suporta ay maibigay..   Ang tulong at suporta ay dapat na makapagsulong ng kapakanan ng mga bata pati ang maprotektahan sila sa matitinding panganib 

 

Ang sinumang nag-aalala na ang isang bata ay nasa panganib na masaktan o maabuso ay kailangang magsabi sa Social Services, sa NSPCC o sa Pulisya.  "Referral" ang tawag dito.  Ang referral ay maaaring manggaling sa mga kapit-bahay, kaibigan, kamag-anak, isang propesyunal tulad ng guro, nars o doktor o mula mismo sa mga bata at mga magulang.Kung minsan, ang tao ng nag-refer ay hindi nagpapakilala o hiniling na huwag siyang ipakilala.  Sa ganitong pagkakataon, hindi posibleng isiwalat sa magulang ang pinanggalingan ng referral.

 

Ano ang mangyayari sa isang Imbetigasyon tungkol sa Proteksyon ng Bata o Child Protection Investigation?

Ang pag-iimbestiga sa pang-aabuso sa isang bata ay isang magkatuwang na responsibilidad.  Kasama dito ang maraming mga ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Social Services, NSPCC, Pulisya, mga Doktor, mga Nars, mga Paaralan at ang Probation Board.  Ang bawat ahensya ay may kanya-kanyang pamamaraan na dapat sundin.  Ang mga pamamaraang ito ay malinaw na itinakda sa Regional Area Child Protection Committees’ Child Protection Policy and Procedures.  Ang layunin ng imbestigasyon ay ang mabatid kung anong panganib sa bata/mga bata, kung mayroon man.  Kapag ang isang imbestigasyon ay nagsimula na, isa o higit pang propesyunal ang magtatakda ng pakikipag-usap sa mga magulang upang matalakay ang tungkol sa mga alalahanin at mapakinggan ang kanilang opinyon tungkol sa mga pangyayari.  Kalimitan ito ay isang Social Worker.  Kung minsan, pinagiisa ang imbestigasyon at maaaring isang taga-Social Services at isang Opisyal ng Pulis ang makikipagkita sa pamilya.  Maaari din nilang kontakin ang sinumang may responsibilidad ng magulang at sila, siyempre pa, kung angkop, ay makikipag-usap sa bata/mga bata.  Sisiyasatin din ang mga propesyunal na kakilalang-kakilala ng pamilya tulad ng mga guro.   Maaaring mangailangan ng eksaminasyong medikal.  Kailangan dito ang pahintulot ng mga magulang.Ang imbestigasyon ay kailangang detalyado upang hangga't maaari ay makita ang buong larawan ng mga pangyayari sa pamilya at upang masusing mapag-aralan ang mga impormasyon, para sa kapakanan ng bata/mga bata.  Hangga't maaari, ipinaaalam sa at sinasangguni ang mga magulang sa bawat bahagi ng imbestigasyon.  Mahalaga na batid ng mga pamilya ang mga dahilan ng mga alalahanin at maunawaan ang bahagi ng bawat ahensyang kasama sa imbestigasyon.

 

Ano ang mangyayari kung ang konklusyon ng imbetigasyon ay wala namang dapat na ikabahala?

Kung minsan, ang konklusyon ng imbetigasyon ay wala namang dapat na ikabahala, at sa ganitong kaso, hindi na kailangang ipagpatuloy pa ito.  Susulat ang Social Worker o Senior Social Worker sa pamilya at ipapaalam sa kanila ang kinalabasan.

 

Ano ang mangyayari kung makikita na nagkaroon ng pang-aabuso?

Kung ituturing na ang isang bata ay inabuso, kailangang magsaayos ng mga gagawin upang matiyak na siya ay protektado sa hinaharap.  Ang Social Services at iba pang mga propesyunal ay kailangang magdesisyon kung anong pinakamagandang gagawin para magawa ito.  Sasangguni sila sa pamilya tungkol dito.  Maaaring kailanganin na magtakda ng isang Initial Child Protection Case Conference.

 

Ano ang layunin ng Eksaminasyong Medikal?

Maaaring mangailangan ng eksaminasyong medikal ang isang bata.  Maaaring kailanganin ito upang makatulong sa imbestigasyon.  Mas mahalagang mabatid kung kinakailangan ng bata ang karagdagang paggagamot.  Maaaring makatulong ang eksaminasyong ito upang maibsan ang pagkabahala ng bata at/o kanyang mga magulang.  Ang eksaminasyong ito ay isasagawa ng isang Doktor na may espesyal na kasanayan. Maaaring samahan ng mga magulang, o sinumang pinagkakatiwalaan ng bata, ang bata sa eksaminasyong medikal. 

 

Kailangan bang sumang-ayon ang Mga Magulang sa Eksaminasyong Medikal?

Ang mga kasamang propesyunal ay may pangakong makikipagtulungan sa mga pamilya.  Sila, hangga't maaari, ay mangangalap ng mga opinyon ng mga magulang at iba pang mga miyembro ng pamilya sa bawat bahagi ng proseso ng proteksyon ng bata.  Ang pahintulot sa eksaminasyong medikal ay hihingin sa mga magulang.  Kung ang iyong anak ay nasa hustong gulang na, nakakaunawa at malayang nagpapasiya para sa kanyang sarili, ang kanyang opinyon ay pakikinggan din at isasaalang-alang.  Sa panahon ng imbestigasyon, ang kapakanan ng bata ang palaging uunahin.  Kung hindi gusto ng bata na sumailalim sa isang eksaminasyong medikal o kun itinuturing na masyado itong traumatic para sa kanya, hindi na ito itutuloy pa.  Sa kabilang dako, kung tumanggi ang mga magulang na magbigay ng pahintulot at sa palagay ng Health & Social Services Trust ay hindi ito makat'wiran, maaari itong mag-aplay sa Hukuman na mapahintulutan siyang ma-interbyu o isailalim ang bata sa isang eksaminasyong medikal.  Kapag nangyari ito, kailangang humingi ng payo ang mga magulang na may kinalaman sa batas.

 

Ilalayo ba ang mga bata sa kanilang mga magulang?

Maraming magulang ang nangangamba at natatakot na baka ilayo sa kanilang tahanan ang kanilang anak. Sa maraming pagkakataon, hindi ito nangyayari.   Ang karamihan sa mga bata ay nananatili sa kanilang mga tahanan at pinagkakalooban ng angkop na serbisyo upang makatulong sa kanila at sa kanilang mga pamilya. 

Kitang-kita na ang pagkakasundo ng mga magulang, kooperasyon at partisipasyon ay napakahalaga.  Ganunpaman, ang kaligtasan at kagalingan ng mga bata ang dapat na unahin.  Kung sa palagay ng mga nasa Case Conference ay nasa matinding panganib ang bata sa tahanan, maaari nilang irekomenda na ang bata ay kupkupin muna ng ibang tao.  Kung minsan, kailangang sumang-ayon ang magulang dito.  Sa ibang pagkakataon, maaaring humantong ito sa Hukuman, kung saan kailangan pa ding sumang-ayon ang mga magulang.  Kung mangyayari ito, ang mga magulang at mga bata, ayon sa kanilang edad, ay maaari nang magbigay ng kanilang mga opinyon sa Hukuman.  Kailangang kumuha ang mga pamilya ng kinatawan ng batas na tutulong sa kanila sa Pagdinig sa Hukuman.  Wala sa Case Conference ang huling desisyon kung iaakyat ang kaso sa Hukuman.  Ito ay responsibilidad ng Social Services.  Ang desisyong ito ay hindi kahit kailan binabasta-basta lamang.  Ang mga kaso ay iniaakyat lamang sa Hukuman sa mga hindi pangkaraniwang pagkakataon at laging iniuukol sa pinakamabuting kapakanan ng bata.

 

Ano ang Child Protection Register?

Ang Register o Rehistro ay listahan ng mga bata na napag-alaman o pinaniniwalaang inabuso o sinaktan sa anumang kaparaanan, o inaakala na nasa panganib na masugatan, abusuhin o mapabayaan.  Ang Rehistro ay pinangangalagaan ng Social Services Department.  Ito ay mahigpit na ituturing na kumpidensiyal at ang mga impormasyon na naririto ay ibinibigay lamang sa mga propesyunal na tulad ng Health Visitor, mga Guro, mga Doktor, mga Pulis at mga Social Workers.

 

Kung ang pangalan ng iyong anak ay naitala sa Rehistro, hindi nangangahulugan na mananatili sila doon habang buhay.  Magsasagawa ng ikalawang kumperensiya pagkalipas ng humigit-kumulang na tatlong buwan upang magpasiya kung pananatilihin ba ang pangalan ng iyong anak sa rehistro.  Kung ang desisyon ay oo, ang pangyayari ay muling isasaalang-alang pagkalipas ng anim na buwan.  Kapag palagay na ang kalooban na ang iyong anak ay wala na sa panganib, ang kanilang pangalan ay aalisin na sa Rehistro.

 

Ano ang Child Protection Plan?

Ang lahat ng mga batang nasa Child Protection Register ay dapat na magkaroon ng Child Protection Plan.  Dapat na malinaw na nakasaad sa plano ang mga inaasahan kontribusyon ng bawat ahensyang kalahok upang makatulong sa pangangalaga sa bata.  Dapat na malinaw din na nakasaad sa plano ang mga inaasahan ng mga magulang upang mabawasan ang panganib sa kanilang anak.  Kasama ang mga magulang sa pagbuo ng planong ito. 

 

Kailangang gawin ng mga magulang/tagapag-alaga ang mga detalye ng plano sa isang pangunahing pagpupulon, na isinasagawa pagkatapos ng Child Protection Conference.  Ang layunin ng plano ay:-

 

  • Mabantayan ang kaligtasan ng bata sa anumang nagbabantang panganib.

 

  • Itaguyod ang kalusugan at pag-unlad ng bata; at

 

  • Kung naaayon sa mabuting kapakanan ng bata, suportahan ang pamilya at iba pang mga miyembro nito upang maitaguyod ang kapakanan ng bata.

 

Ang child protection plan ay dapat na magtakda ng mga hakbang na dapat isagawa, bakit, kailan, at kung sino ang dapat na magsagawa ng mga ito.  Ang plano ay dapat na:-

 

  • Naglalarawan ng mga inisa-isang pangangailangan ng bata at anong serbisyong may kaugnayan sa paggagamot ang kakailanganin;

 

  • May taglay na tuloy, maaabot, mga layuning nakatuon sa bata, na ang intensyon ay mabantayan ang kailgtasan at maitaguyod ang kanyang kapakanan;

 

  • May taglay na mga reyalsitikong istratehiya at mga tukoy na aksyon upang makamit ang mga layunin.

 

  • Malinaw na makapagtukoy ng mga papel na ginagampanan at mga responsibilidad ng mga propesyunal at mga miyembro ng pamilya, kabilang na ang uri at gaano kalimit kokontakin ang mga propesyunal ang mga mga bata at mga miyembro ng pamilya;

 

  • Naglalatag ng mga puntos kung saan ang progreso ay babalik-aralin, at ang pamamaraan kung paanong ang proseso ay huhusgahan; at

 

  • Malinaw na magtatakda ng mga papel na gagampanan at mga responsibilidad ng mga propesyunal na may nakagawian nang regular na pakikipag-ugnayan sa bata, halimbawa ay mga health visitor, mga G.P. at mga guro, pati na ang sinumang espesyalista o tinatarget sa susuporta sa bata at sa pamilya.

 

Kailangang isaalang-alang ng child protection plan ang mga kahilingan pati na ang damdamin ng bata, at ang mga opinyon ng mga magulang, basta't ito ay naaayon sa kapakanan ng bata.  Kailangang gawin ng key worker ang lahat ng mga pagsusumikap upang matiyak na ang mga bata at mga magulang ay may malinaw na pang-unawa sa mga layunin ng plano, na tinatanggap nila ito at handa silang magtrabaho para dito..  Ang plano ay dapat na buuin kasama ang pamilya at nasa kanilang unang wika.  Kung ang mga kagustuhan ng mga miyembro ng pamilya tungkol sa kung paano ang pinakamagandang paraan ng pagbabantay ng kaligtasan ng bata ay hindi tinanggap, kailangang ipaliwanag ang mga kadahilanan kung bakit.  Kailangang mapasabihan ang mga pamilya nang tungkol sa kanilang karapatan na magreklamo at magkaroon ng representasyon, at kung paano ito gagawin.

 

Ano ang Key Worker?

Ang Key Worker ay isang Social Worker, na inatasan sa Case Conference, na siyang may responsibilidad sa pagpaplano kasama ang mga magulang at iba pang mga ahensiya, kung paano ang pinakamagandang paraang magagawa upang mabawasan ang anumang mga panganib sa isang bata.  Ang Key Worker din ang taon kung kanino ang iba pang mga worker ay makikipag-ugnayan kung mayroon pa silang mga karagdagang pangamba, at kung kanino ang anumang insidente ay iuulat.  Ibig sabihin nito, maaari silang magkaroon ng pananaw tungkol sa sitwasyon at maaari silang maghanap ng anumang karagdagang alalahanin upang, kung kailangan, ay maisaayos ang magagawang tulong.

 

Ano ang "pagtatasa ng panganib" o "risk assessment"?

Ito ang katawagang ibinibigay sa detalyadong ulat, na kailangang kumpletuhin ng isang Social Wroker at iba pang mga propesyunal, kapag ang pangalan ng isang bata ay inilagay nsa sa Child Protection Register.  Batay sa impormasyong ito, ang mga plano ay tatalakayin at pag-uusapan ang tungkol sa kung anong mga hakbang ang gagawin upang mabigyan ang magulang at bata ng pinakamagandang tulong na posibleng maibigay.

 

Sino-sino ang kasali sa prosesong ito?

Isang Core Group ng mga propesyunal (halimbawa, health visitor, guro) ang makikipagtulungan sa mga magulang at sa Key Worker upang lalong maunawaan ang kalagayan ng pamilya.  Ang impormasyong ito ang magsisilbing isang matatag na pundasyon sa paggawa ng mga desisyon tungkol sa karagdagang tulong at proteksyon sa bata. 

 

Ano ang Child Protection Case Conference?

Ito ay isang pagpupulong ng mga tao mula sa iba't ibang ahensya, kagaya ng Social Worker, health Visitors, mga G.P., Pulis at Guro.

 

Bakit nagsasagawa ng ganitong kumperensiya?

Upang maisaalang-alang ang mga alalahanin at mga pangamba tungkol sa pangangalaga ng bata/mga bata.

 

Ano ang magagawa ng isang magulang?

Makikipag-usap sa kanila ang Social Worker tungkol sa mga dahilan kung bakit may kumperensiya at ano ang mangyayari sa mga kumperensiyang ito. 

 

Maaari din kayong humingi ng payo mula sa iyong solicitor, Citizens Advice Bureau sa iyong lugar o sa Family Rights Group.

 

Ano ang nangyayari sa ganitong mga kumperensiya?

Lahat ng ahensyang nakikipagtulungan sa mga pamilya ay nagbabahagi ng mga impormasyon na makabuluhan para sa mga alalahanin at pangamba tungkol sa pangangalaga ng bata/mga bata.

 

Mahalaga na dumadalo ang magulang upang marinig ang mga sinasabi at mahalaga din na ang iba pang tao na nasa pagpupulong ay makinig sa mga sasabihin ng mga magulang.

 

Nauunawaan namin na ang mga magulang ay maaaring nangangamba, at kung mangangailangan sila ng suporta, hinihikayat silang magsama ng isang kamag-anak o kaibigan.

 

Ano ang susunod na mangyayari?

Gagawa ng mga desisyon at mga rekomendasyon tungkol sa kung anong aksyon ang kailangan upang mabigyan ng proteksyon ang bata/mga bata at matulungan ang kanilang mga pamilya.

 

Tulong para sa transportasyon/pag-aalaga sa bata

Kung kinakailangan ng mga magulang ng transportasyon o tagapag-alaga sa kanilang mga anak upang makadalo sila sa mga pagpupulong, isasaayos ito ng nakatalagang Social Worker.

 

Mga Interpreter

Maaaring hindi English ang pangunahing wika ng magulang, kaya't kung kailangan nila ng interpreter, kailangang ipaalam kaagad ito sa nakatalagang Social Worker upang ito ay maisaayos.

 

Ano ang mangyayari pagkatapos ng kumperensiya?

Ang mga desisyon at mga rekomendasyon ay tatalakayon kasama ang mga magulang sa pagpupulong at pasasabihan din sila sa pamamagitan ng isang sulat.

 

Mga Pamamaraan ng Pag-apela

Kung hindi tinatanggap ng mga magulang ang anumang ginawang desisyon, kailangang kontakin nila ang kanilang Social Worker para sa karagdagang impormasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Proteksyon ng Bata
Please Rate This Page!