Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

Pananakot (Bullying)

Maaaring maging dahilan ng pagliban ng bata sa paaralan ang pananakot.  Bilang isang magulang, kailangang alam mo kung papaano tutugon kapag ang iyong anak ay tinatakot / tinakot na, o kaya'y nagpapakita ng pag-uugaling nananakot.

Ano ang bullying o pananakot?

 

Mayroon bang iba't-ibang uri ng pananakot?

 

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng Pananakot?

 

Ano ang mga katangian ng pag-uugaling nananakot?

 

Saan nangyayari ang pananakot?

 

Bakit nangyayari ang pananakot?

 

Paano ko haharapin ang pananakot?

 

Ano ang mga responsibilidad ng Paaralan?

 

Ano ang mga hakbang na maaaring isagawa ng Paaralan upang maiwasan ang pananakot?

 

Ano ang suporta/tulong na maaaring ipagkaloob ng paaralan sa mga biktima ng pananakot?

 

Ano ang suporta/tulong na maaaring ipagkaloob ng Paaralan sa mga nananakot?

 

Ano ang dapat kong gawin kung hindi ako nasisiyahan sa pagtugon dito ng Paaralan?

 

Ano-ano pa ang ibang suporta na makukuha?

Ano ang Pananakot?

Ito ay isang sinasadya, nababatid na kagustuhang makapanakit, magbanta o manakot ng isang tao.  Inilalarawan ng Departamento ng Edukasyon o Department of Education (DE) ang pananakot na “

Ang tungkulin ng paaralan ay ang makapagbigay ng pinakamahusay na pamantayan ng edukasyon para sa lahat ng mga mag-aaral nito.  Mahalaga ang isang ligtas at may seguridad na kapaligiran upang makamit ang layuning ito.  Umiiral ang pananakot sa isang kapaligirang may pag-aalinlangan, paglilihim at takot, at dahil sa mismong katangian nito'y bumababa at nanghihina ang kalidad ng edukasyon, at nagdudulot ng pinsalang sikolohikal.  Samakat'wid, ito ay isang usapin na kailangang harapin nang positibo at may katatagan, ng mga ahensiya sa iyong komunidad.

 

Hindi lamang nakakaapekto ang pananakot sa mga taong tuwirang sangkot dito - nakakaapekto din ito sa bawat isa sa silid-aralan, sa komunidad ng paaralan at higit sa lahat, sa mas malawak na komunidad.  Isang mataas na antas ng kolektibong pakikibaka ang kailangan kung gustong madetekta ang pananakot at harapin ito sa isang naaangkop na pamamaraan.

 

Mayroong bang iba't-ibang uri ng pananakot?

Ang pananakot ay sumasaklaw sa napakaraming mga gawain: -

 

  1. Kaugalian ng mga Mag-aaral

          (i) Pisikal na Agresyon

Kabilang dito ang panunulak, paghawi, paninipa at panununtok - maaari din itong   maging isan malubhang pisikal na pagsalakay. Sa ilang malulubhang kaso, ang mga sandata, katulad ng kutsilyo, ay maaaring gamitin.  Ang ganitong pag-uugali ay kalimitang nangyayari sa mga lalaki kaysa sa mga babae.

          (ii) Sa Pananalita:

Dito, ang pananalita ang ginagamit na sandata.  Ito ay maaaring nasa anyo ng palagiang pagbabansag ng pangalan sa parehong indibidwal (mga), na nanghihiya, nakakasakit o nakakainsulto.  Ang pananakot ay kalimitang ginagawa sa biktima dahil sa ipinapalagaynilang pagkakaiba-iba sa pisikal na anyo, sa punto ng pananalita o sa naiibang katangian ng boses at sa akademikong abilidad ng magagaling o hindi magagaling na bata.  Ang pagbabansag ng pangalan ay maaari ding isang nakakahiyang pagpapahiwatig tungkol sa sekswal na oryentasyon ng isang mag-aaral.  (Ang pagtawag sa telepono na hindi nagbibigay ng pangalan ay isang laganap na anyo ng pananakot sa pamamagitan ng salita, kung saan ang mga bata at lalong-lalo na ang mga guro ay maaaring maging biktima).

          (iii) Intimidasyon:

Ito ay batay sa paggamit ng napaka-agresibong paggalaw ng katawan at tono ng pananalita, kung saan ang biktima ay maaaring mapilitang gumawa ng isang bagay na hindi niya gustong gawin.  Ang ekspresyon sa mukha o "tingin" ng isang nananakot ay makapagpapahiwatig ng agresyon at/o 'di-pagkagusto.  Ang mga pagbabanta ay palaging ginagamit upang parupukin ang tiwala ng biktima sa kaniyang sarili.

          (iv) Pag-eetsa puwera:

Ang karaniwang pasimuno ng gawaing ito ay ang nananakot .  Ang biktima ay sinasadyang  ilayo, eetsa-puwera o hindi pansinin ng ilan o ng lahat ng mga nasa grupo.  Ito ay maaaring palubhain sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga notes, pagbulong ng mga pang-iinsulto na maaaring naririnig naman ng biktima, o pagsusulat ng mga mapanirang puna sa mga pisara o sa mga pampublikong lugar.

          (v) Pangingikil:

Maaaring ingan ng pera ang biktima at bantaan ito kung hindi siya magbibigay o magbabayad kaagad.  Maaaring kunin ang tanghalian ang biktima, ang mga tiket para sa hapunan o ang perang pambayad para sa tanghalian.  Maaaring pilitin ang biktima na magnakaw ng ari-arian para sa nananakot.  Ang ganitong mga taktika ay maaaring ginagawa para lamang takutin ang biktima.

 

 

 (vi) Pinsala sa mga Ari-arian:

Maaaring pagtuunan ng pansin ng nananakot ang mga ari-arian ng biktima.  Bilang resulta, ang damit, mga aklat sa paaralan o iba pang personal na ari-arian ay nasisira, ninanakaw o itinatago. 

 

2. Pag-uugali ng Mga nasa Hustong Gulang Na

 

Sinasadya man o hindi, ang isang tao sa paaralan na nasa hustong gulang na ay maaaring sumali, manulsol o magpalakas ng loob ng mga nananakot sa pamamagitan ng: -

 

(i) Pagpapahiya sa isang mag-aaral na mahina/magaling sa akademiko o bulnerable sa iba pang mga bagay-bagay.

(ii) Paggamit ng panunuya/mga negatibong puna tungkol sa panlabas na kaanyuan o nakaraan ng isang mag-aaral.

(iii) Paggamit ng mga galaw o mga ekspresyon na nakaka-intimida o nagtatangka.

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng Pananakot?

Bagama't kalimitan ay nananatiling tahimik ang mga biktima, ang pagbabago sa sumpong at pag-uugali ay maaaring maglarawan ng kanilang naranasang hirap.  Nakakaramdam ang mga biktima ng pananakot na para bang walang makakatulong sa kanila, at napapaibabawan sila ng kapangyarihang pinaiiral ng nananakot.   Ito ay napupunta sa kawalan ng seguridad, nadadagdagang takot, kawalan ng tiwala sa sarili, at kasunod nito'y bumababa ang pagpapahalaga sa sarili.  Kung gayon, ang biktima ay nagiging lalo pang bulnerable.  Sa mga malulubhang kaso, ang pananakot ay nagiging dahilan ng pagpapakamatay.  Ang kaukulang pagbabantay sa anumang pagbabago sa pag-uugali ay kailangang-kailangan dahil sa ang maagang interbensyon ay lubhang mahalaga. 

 

Ang isang mag-aaral na nakakaranas ng pananakot ay maaaring makitaan ng ilan sa mga sumusunod na palatandaan at sintomas:

 

  • Ang paulit-ulit na pagkakaroon ng sakit sa katawan, halimbawa, pananakit ng tiyan, pananakit ng ulo.

 

  • Ang pagkabahala kapag pupunta sa at pabalik mula sa paaralan; ang pagnanais na ihatid sa at sunduin mula sa paaralan, at ang pag-iwas sa regular na oras ng pagbiyahe.

 

  • Mga pagbabago sa ugali at/o sa pag-uugali.

 

  • Mga tanda ng pagkabahala o distress - nahihirapang matulog, hindi kumakain, paghikbi, umiihi sa kama, binabangungot, garalgal ang pananalita, nagiging mahiyain o ayaw nang makisalamuha.

 

  • Mga mga ari-arian at/o pananamit ay nasisira o nawawala.

 

  • Madalas na paghingi ng pera, at/o pangungupit.

 

  • Hindi maipaliwanag na mga galos at sugat.

 

  • Pagbaba ng marka o pagkawala ng sigla sa mga gawaing pang-edukasyon at interes sa pag-aaral.

 

  • Pag-aatubili at/o pagtanggi na sabihin kung ano ang bumabagabag sa kanya.

 

  • Pananakit sa sarili o pagtatangkang magpakamatay.

 

Kung iisa-isahin, ang mga palatandang ito at mga sintomas ay hindi kaagad masasabing nangangahulugan na ang mag-aaral ay tinatakot.  Ganunpaman, kung mayroong kombinasyon o paulit-ulit na pangyayaring katulad ng mga ito, kailangan ang karagdagang imbestigasyon upang malaman kung ano ang nakakaapekto sa mag-aaral.

 

Ano ang mga katangian ng pag-uugaling mahilig manakot?

Ang pananakot ay isang paulit-ulit at nangingibabaw na inililihim na gawain.

 

Ang sino mang bata ay maaaring takutin kahit wala silang nagawang mali.  Sinasabi sa mga nakaraang pag-aaral na hanggang sa 20% ng lahat ng batang nasa paaralan ay naaapektuhan ng mapanakot na pag-uugali.

 

Ang biktima ay ipinapalagay na kakaiba.  Siya ay maaaring maselan, emosyonal, walang kibo, isang 'loner' p mahilig mapag-isa, tagumpay - sa lipunan o sa akademiko, o maaaring biktima ng pang-aabuso sa tahanan, o maaaring mula sa ibang lahi / kultura / relihiyon / sekswal na oryentasyon o iba pa.

 

Sa pagsasagawa ng mga normal na gawain, maaaring magtuksuhan o maghamakan ang mga mag-aaral.  Ganunpaman, dumarating ang panahong ang mga ito ay nagiging mapanakot na pag-uugali.  Ang katindihan at haba ng panahon nito ay may direktang kaugnayan sa pagtugon ng biktima sa berbal (sa salita), pisikal (sa gawa) o sikolohikal (sa isip) na agresyon.

 

Ang mga biktima na tinakot ay inosente, ganunpaman, maaaring hindi nila namamalayan na sa kanilang mga ikinikils na nag-aaanyaya na pala sila na sila ay takutin Sa pangkalahatan, tinatanggap na ang pananakot ay isang pinag-aaralang gawi, na maaaring pairalin ng isang indibidwal o grupo.  Ang nananakot ay kalimitang walang tiwala sa sarili, isang tao na walang nararating at may mababang pagpapahalaga sa sarili, mapaghanap ng kapangyarihan, mahilig magpakitang gilas, seloso, at walang gaanong motibasyon kumpara sa kanyang mga kaedad.  Maaaring kulang siya sa anumang katuwiran na magsisi man lamang, at kaya niyang kumbinsihin ang kanyang sarili na karapat-dapat lamang na takutin niya ang biktima.

 

Mahalaga na kilalanin ng paaralan na ang sinumang mag-aaral ay maaring maging biktima, o magpasimula, ng mapanakot na pag-uugali.

 

Saan nangyayari ang pananakot?

Ang pananakot sa paaralan ay kalimitang nangyayari sa mga panahong walang aralin tulad ng sa oras ng pahinga o tanghalian.  Nakakapagsamantala ang mga nananakot sa kanilang biktima kung walang nakatatandang may awtoridad na pupuna sa kanilang pag-uugali.

Ipinakita sa mga pananaliksik na karamihan sa mga pananakot ay nangyayari sa palaruan.

 

Maraming dahilan kung bakit nagkakaganito:

 

  • Kakulangan sa superbisyon;

  • Kakulangan sa mga larong kapaki-pakinabang at mga lugar na paglalaruan;

  • May mga tagong lugar kaya hindi nakikita ang mga pag-uugaling anti-social;

  • Maaaring 'pagtulungan' ng mga bata ang kanilang biktima.

  • Masyadong maingay kaya't hindi nakikita kung ano na ba ang nangyayari;

  • Pagiging pisikal ng laro;

  • Malaking agwat sa edad ng mga mag-aaral kaya't ang resulta ay nagiging bulnerable ang mga maliliit at mas nakababatang mag-aaral.

 

Kabilang sa iba pang mga lugar kung saan may pagkakataong manakot ang: - mga palikuran, cloakrooms, locker areas, pasilyo, paliguan, silid bihisan, mga iskul bus.  Kailangan ang mahigpit na superbisyon upang mabawasan ang insidente ng pananakot.  Ang pananakot ay maaari ding maganap sa silid-aralan.  Dito ay may mahalagang papel na gagampanan ang guro sa pagbibigay ng isang kapaligirang may katatagan at seguridad.  Dapat ay hindi mahikayat ang mga mag-aaral na gumamit ng berbal at pisikal na pang-aabuso, gaano man ito kalumanay.  Gayundin, ang mga guro mismo ay hindi dapat gumamit ng mga salitang nagpapababa o sarkastiko, o ng anumang pisikal na pang-aabuso.

 

Ang dadaanan papunta sa at mula sa paaralan ay nagiging lugar din para sa mga gawaing anti-social.

 

Mahalagang isaalang-alang na ang pananakot ay nangyayari sa labas ng paaralan.  Kalimitan, ang problema ay nakakaapekto sa buhay-panlipunan ng mga kabataan at maaaring ang ebidensiya nito ay makikita sa - halimbawa, sa mga organisasyon ng mga kabataan.

 

Bakit nagkakaroon ng pananakot?

Masalimuot o komplikado at iba't-iba ang mga dahilan kung bakit may pag-uugaling mahilig manakot.  Ang mga sumusunod ay ilan sa mga karaniwang dahilan: -

 

  • ang maling paniniwala na katanggap-tanggap ang agresibong pag-uugali;

  • gustong maiangat ang kalagayan sa buhay sa harapan ng mga kaibigan at ka-edad;

  • gustong pagtuunan ng pansin ng mga may sinabing personalidad

  • pagkabagot;

  • pangingikil;

  • gustong mapunan ang kabiguan - pang-akademiko at panlipunan, at dahil sa presyur mula sa mga magulang;

  • ang pag-uugaling mapanakot ay maaari ding sintomas ng pagiging biktima na inabuso/pinabayaan noong bata pa.

 

Paano kong haharapin ang pananakot?

 

  • Huwag ipagwalang-bahala ang mga palatandaan at sintomas.

  • Huwag ilalagay ang mga bagay-bagay sa iyong mga kamay.

  • Kausapin ang /Makinig sa iyong anak at seryosohin ang bagay na ito.

  • Isulat ang mga detalye o impormasyon na ibinigay sa iyo.

  • Itago ang mga ebidensya na maaaring makatulong sa pagpapatunay na naganap ang mga pangyayari, halimbawa ay text message, isang note, isang e-mail, at iba pa.

  • Tiyaking ang inyong anak ay wala sa bingit ng panganib.

  • Makipag-ugnayan sa paaralan sa lalong madaling panahon upang makapagsagawa ng pagpupulong at mapag-usapan ang mga alalahanin.

  • Magdala ng kaibigan o kamag-anak kung kailangan ninyo ng karagdagang suporta.

  • Manatiling kalmado at sikaping ilagay ang iyong mga alalahanin sa isang malinaw at makatuwirang pamamaraan.

 

Ano ang responsibilidad ng Paaralan?

Ang Board of Governors ay may pananagutan sa ilalim ng batas na itaguyod at bantayan ang kapakanan ng lahat ng mga bata sa kanilang paaralan.   Ang kanilang mga tungkulin ay nakasaad sa Education and Libraries (NI) Order 2003 Artikulo 17, 18 at 19.  Kailangan nilang tiyakin na ang lahat ng makat'wirang hakbang ay naisasagawa upang makapagbigay ng ligtas na kapaligiran sa mga mag-aaral at upang maabot nila ang kanilang potensiyal sa edukasyon.

 

Ang pamumuno ng Punong-Guro ay mahalaga sa pagpapaunlad at pagpapatupad ng patakaran ng buong paaralan na may kinalaman sa pananakot.  Ang ganitong patakaran ay kailangang maisulong sa pakikipagtulungan ng mga tauhan ng paaralan, nagtuturo man o hindi nagtuturo, at sumasangguni sa mga magulang at mag-aaaral.  Ang mga manggagawa para sa mga kabataan ay maaaring makapagbigay ng patuloy na katibayan kaugnay ng pananakot sa labas ng paligid ng paaralan.

 

Kailangang malinaw na maunawaan ng lahat ng mga kinauukulan ang mga layunin ng patakaran, mga tungkulin at mga nais makamtan.

 

Ano ang mga aksyon na maaaring isagawa ng Paaralan upang maiwasan ang pananakot?

Ang isang patakaran sa paaralan para sa pananakot ay pinakaepektibo kung paiiralin sa isang kapaligirang may pagkalinga at pagsasalang-alang sa iba, at dapat itong tingnan na bahagi ng isang sistema ng isang pastoral na pangangalaga.  Kailangang panindigan na ang pag-uugaling mapanakot sa paaralan ay hindi pinahihintulutan.  Dapat na hikayatin ang mga mag-aaral na iulat ang mga insidente ng pananakot at matuto silang tumanggap ng responsibilidad para sa kapakanan ng iba pang mga mag-aaral.  Ang mga tauhan ng paaralan ang may pananagutan sa paglikha ng isang positibong kinalulugaran at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng pagiging positibong mga huwaran.

 

  1. Pag-aangat ng Kabatiran (mga halimbawa)

(i) Ang isang patakaran para sa pananakot ay kailangang maging bahagi ng patakaran ng paaralan sa pagdidisiplina.

(ii) Kailangang nakasulat ito at may kopya ang lahat.

(iii) Kailangang tiyakin ng mga namamahala ang pagsasaayos at pagpapatupad ng isang patakaran para sa buong paaralan.

(iv) Ang pagkakaroon ng isang 'staff awareness day' o araw ng kabatiran ng tauhan ay maaaring isa sa unang workshop na dapat organisahin.

(v) Maaaring sundan ito ng isang 'pupil awareness day' o araw ng kabatiran para sa mag-aaral, halimbawa ay mga poster, mga talatanungan, at iba pa.

(vi) Ang isang gabing oorganisahin ng Parents Teachers Association (PTA) ay makapagbibigay sa paaralan ng pagkakataon na isali ang mga magulang.

(vii) Maaaring makalikha ng isang Programme for Community Awareness o Programa para sa Kabatiran ng Komunidad, halimbawa ay balikatang nars/simbahan, pulisya/mga grupo ng kabataan.

Ang mga aktibidad na kaugnay ng kurikulum ay maaaring magkaroon ng isang mahalagang papel sa pag-aangat ng kabatiran ng mga mag-aaral - halimbawa, English; Drama; Social Studies; PE; Health Education; School Assembly; Programang EMU at mga Programang Kidscape/Stay Safe.

 

2. Superbisyon

 

(i) Mahigpit na superbisyon sa mga itinuturing na 'maiinit na lugar' o 'hot spots' para sa pananakot.

(ii) Maaaring bigyan ng responsibilidad ang mga nakatatandang mag-aaral.

(iii) Tiyaking may kasanayan ang lahat ng tauhan ng paaralan at mayroong awtoridad (lalong-lalo na ang mga tauhang hindi nagtuturo) na kinakailangan upang magampanan nila nang epektibo ang kanilang mga tungkulin.

(iv) Makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng bus tungkol sa patakaran ng paaralan.

(v) Gawing sal-itan ang oras ng tanghalian.

(vi) Magkaroon ng 'lugar para magkaroon ng sandaling kaginhawahan' o ‘respite area’ para sa mag-aaral na nasa unang taon.

(vii) Gawing sal-itan ang oras ng pag-bell.  Bawasan ang oras sa paligid ng paaralan.

(viii) Hatiin ang palaruan sa maliliit na mga palaruan.

(ix) Magkaroon ng magkahiwalay na palikuran para sa mga juniors at seniors.

(x) Positibong laro – na maaaring bantayan ng mga boluntaryo.

 

3. Mga Paraan ng Pagrerekord

 

(i) Kailangang magkaroon ng isang paraan ng pagrerekord ng lahat ng mga insidente ng pananakot.   (Maganda kung may Standard Form))

(ii) Ang isang detalyadong pagkakatalogo ng mga pangyayari ay kailangang itala ng isang itinalagang tao habang nangyayari ang mga ito at/o kapag matitinding kaso ang mga ito.

(iii) Kailangang iulat ang mga matitinding insidente.

(iv) Ang mga magulang ng mga batang nakasangkot ay kailangang mapasabihan upang masuportahan nila ang kanilang mga anak pati na ang paaralan.

(v) Kailangang alam ng mga magulang kung sino ang angkop na tao na dapat kontakin tungkol sa anumang mga insidente ng pananakot na kanilang nalalaman.

(vi) Kunan ng litrato ang anumang pagkakasugat.  Ipaalam sa pulisya kung matindi ang nangyari.

 

Anong suporta / tulong ang maaaring ipagkaloob ng paaralan sa mga biktima ng pananakot?

  •  Muling bigyan ng kasiguruhan ang biktima pati na ang mga magulang na ang pangyayari ay pag-uukulan ng pansin at haharapin.

  • Makipagkita sa biktima sa lalong madaling panahon.  Humingi ng nakasulat na rekord kung ano ang nangyari.  Magbigay ng mga gabay kung kinakailangan - saan/ano/kailan nangyari ang insidente?

  • Isa-isang kausapin ang mga saksi upang masubukang makakuha nang mas malinaw na larawan kung ano ang nangyari.

  • Tulungan ang biktima na makapag-plano ng kanyang tugon at mga estratehiya para sa sarili niyang proteksyon, kung ang insidente ay mangyari ulit.

  • Kaibiganin ang biktima Hilingin sa isang mas nakatatandang bata na kaibiganin o gawing "anino".

  • Gamitin ang kurikulum upang maibalik ang tiwala sa sarili, halimbawa, drama, poetry, video, programang Kidscape, atbp.

  • Pagkasunduan ang isasagawang aksyon - halimbawa, interbyuhin ang nananakot at ipaalam sa kanila na ang ganitong pag-uugali ay hindi katanggap-tanggap.

  • Petsa ng Pagbabalik-aral: Magtakda ng isang pakikipagkita sa biktima sa isang napagkasunduang sandaling panahon upang mapag-aralang muli ang sitwasyon.

  • Posibleng referral sa ibang ahensya - halimbawa, Psychologist, Clinical Medical Officer, Education Welfare, Youth Service.

 

Ano ang suporta / tulong na maaaring ipagkaloob ng Paaralan sa nananakot?

  • Makipagkita sa batang nananakot at sa mga magulang nito sa lalong madaling panahon.  Humingi ng nakasulat na salaysay kung ano ang nangyari.  (Saan, Ano, at Kailan)

  • Bigyang-diin na ang pag-uugali ang hindi katanggap-tanggap, hindi ang mag-aaral.

  • Magmungkahi ng mga katanggap-tanggap na anyo ng pag-uugali at bigyang-diin ang anumang magagandang pag-uugali na ipinakita na ng mag-aaral.

  • Ang responsibilidad para sa anumang panganib/sakit/pinsala ay kailangang tanggapin ng nananakot at dapat itong pagbayadan.

  • Gamitin ang kurikulum upang mabigyang-diin ang mga katanggap-tanggap na pag-uugali.  Personal at edukasyong panlipunan, form period, drama.

  • Kontakin ang ibang mga ahensya - Educational Psychology; Clinical Medical Officer; Social Services; Adolescent Unit; Youth Service.

  • Pagkasunduan ang isasagawang aksyon: Hayaang malaman ng nananakot na ang kanyang pag-uugali ay mahigpit na susubaybayan.

  • Petsa nang Pagbabalik-aral: Magtakda ng pakikipagkita sa nananakot sa maiksing panahon sapagkat maaaring nangangailangan siya ng suportang kaugnay ng positibong pag-uugali.

  • Posibleng referral sa ibang ahensya, kung naaangkop.

 

Ano ang dapat kong gawin kung hindi ako nasisiyahan sa naging tugon ng Paaralan?

Ang pananakot ay nagiging isang bagay na dapat isaalang-alang sa edukasyon ng mga nasa primarya / tapos na sa primarya.   Inaasahan na ang isang malinaw na patakaran at ang ganap na komitment ng lahat ng mga kinauukulang propesyunal, ang magsisilbing paraan upang maiangat ang kabatiran at pang-unawa sa buong komunidad, at nang sa ganoon ay makatulong sa pakikipaglaban sa problemang ito.

 

Sa unang pagkakataon, kung ang mga magulang ay hindi nasisiyahan sa mga pamamaraan, maaaring : -

 

  • Kontakin ang punong-guro ng paaralan upang matalakay ang mga alalahanin.  Kung hindi nasiyahan

  • Kontakin ang Chair ng Board of Governors ng paaralan

  • Kontakin ang Education Welfare Service ng Education at Library Board.

  • I-akses ang anumang independyenteng payo mula sa alinmang iba pang ahensiya, halimbawa ay mula sa Children’s Law Centre

 

Ano-ano pa ang ibang suporta na maaaring matanggapy?

 

  • ABC (Anti-Bullying Campaign) 071 378 1146 Lunes-Biyernes 9.30 ng umaga hanggang 5.00 ng hapon

  • Childline 0800 1111

  • Kidscape 071 730 3300

  • Children’s Law Centre 028 9024 5704

  • NICCY - Northern Ireland Commissioner for Children and Young People

  • May iba pang serbisyo sa inyong lugar mula sa:

 

    •  Education Welfare Service - Education & Library Board

 

    • Social Services Department

 

    • Samaritans

 

    • Save the Children

 

    • NSPCC

 

    • Barnardos

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Please Rate This Page!