Ang edukasyon ay nagbibigay sa mga bata ng oportunidad na makapaghanda sa buhay. Ang Education Welfare Service (EWS) ay isang espesyalista sa pagtataguyod ng suportang serbisyong pang-edukasyon, na naglalayong tumulong sa mga kabataan na nasa edad na kailangan nang pumasok sa paaralan, at makuha ng kanilang mga pamilya ang pinakamagandang maipagkakaloob ng sistema ng edukasyon.
Layunin
Makapagtaguyod ng isang kultura na regular ang pagpasok sa paaralan.
Pahayag na Misyon
Itinataguyod ng Education Welfare Service (EWS) ang pagsali ng mga anak at mga kabataan sa kapaki-pakinabang na edukasyon sa pamamagitan ng isang partnership at inklusibong pamamaraan.