Ang Bookstart ay sinumulan noong 1992 ng independyenteng charity Book Trust sa pakikipagtulungan ng Birmingham Library Services, Birmingham Health Authority at ng Birmingham School of Education.
Ang layunin ng Bookstart noon at magpa-hanggang ngayon ay ang hikayatin ang mga magulang na ibahagi ang aklat sa kanilang mga anak mula sa maagang edad, sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng aklat sa bawat bata, at ng makabuluhang payo sa bawat magulang.
Gagana ang sistemang ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga lahat ng mga magulang/kumukupkop ng isang Bookstart pack kapag ang kanilang anak ay nasa edad na 7-9 na buwan. Nasa loob ng pack ang dalawang libreng aklat, payo tungkol sa pagbabahagi sa anak ng tungkol sa aklat, impormasyon tungkol sa pasilidad at gawain sa aklatan at isang imbitasyon na sumali.
Ang Bookstart ay isang Partnership sa pagitan ng iyong local Local Library Service at Local Health Trust.
Ang pagbabahagi ng aklat sa bata na may murang edad ay nakakatulong na makabuo ng isang masigla at mapagmahal na ugnayan sa pagitan ng magulang at ng anak at nagpapabuti sa kanilang ugnayan mula sa napakaagang gulang.