Young girl smiling in class Close up head shot of boy in school Girl holding hand up, with teacher at white board
.

Libreng Pagkain sa Paaralan, Malimit Itanong na Katanungan (Free School Meals, Frequently Asked Questions)

Sino ang maaaring tumanggap ng libreng pagkain?

 

Ano ang paraan sa pag-aaplay para sa Libreng Pagkain sa Paaralan?

 

Kung ako at ang ka-partner ko ay karapat-dapat para sa Working Tax Credit, may karapatan ba ako sa Claim Free Meals o Kumuha ng Libreng Pagkain para sa mga anak ko?

 

Kailan ako dapat na mag-aplay ulit para sa Libreng Pagkain?

 

Kung magbabago ang kalagayan ko, kailangan bang ipabatid ko ito sa Education Board sa aming lugar?

 

Bakit inalis ang aking mga anak sa programang Libreng Pagkain?

 

Ano ang dapat kong gawin kung ang aking anak ay pumasok sa paaralan ng ibang Board?

 

May karapatan ba sa libreng pagkain ang mga foster children?

 

Maaari ba akong magkaroon ng cash allowance kapalit ng Libreng Pagkain sa Paaralan?

 

Maaari bang mabawi ang mga ipinambili ko ng pagkain bago i-proseso ang aking application form?

 

Paano malalaman ng paaralan kung ang aking anak/mga anak ay may karapatan sa Libreng Pagkain sa Paaralan?

 

Sino ang may karapatang tumanggap ng libreng pagkain?

Ang mga bata ay may karapatan sa libreng pagkain sa paaralan kung:

 

  • ang magulang/tagapag-alaga ay tumatanggap ng Income Support o Income-Based Job Seekers Allowance, o kung ang isang mag-aaral ay kumukuha ng Income Support na nasa kanilang sariling pangalan; o,

 

  • ang mga magulang ay tumatanggap ng Child Tax Credit; at hindi karapat-dapat para sa Working Tax Credit dahil sa sila ay nagtatrabaho nang kulang sa 16 na oras kada linggo; at mayroon lamang taunang binubuwisang kita na £13,910 o mas mababa pa; o,

 

  • siya ay pumapasok sa isang espesyal na paaralan at itinakda na nangangailangan ng espesyal na pagkain; o,

 

  • siya ay boarder sa isang espesyal na paaralan; o,

 

  • siya ay anak ng isang asylum seeker na sinusuportahan ng Home Office National Asylum Support Service (NASS)

 

  • ang magulang ay tumanggap ng elementong Guarantee mula sa State Pension Credit

 

Ano ang paraan para makapag-aplay sa Libreng Pagkain sa Paaralan?

Ang application form para sa libreng pagkain ay dapat na mapunan ng Magulang/Tagapag-alaga/Taga-kuha at ipasa sa Board kung saan ka nakatira.  Ang gabay ay makukuha sa iyong Local Education Board.

 

Kung ako at ang ka-partner ko ay karapat-dapat para sa Working Tax Credit, may karapatan ba ako sa Claim Free Meals o Kumuha ng Libreng Pagkain para sa mga anak ko?

Ang mga magulang na karapat-dapat sa Working Tax Credit ay walang karapatang tumanggap ng libreng pagkain para sa kanilang mga anak.

 

Kailan ako dapat mag-aplay ulti para sa Libreng Pagkain?

Ang mga magulang ay kailangang mag-aplay ulit para sa libreng pagkain minsan kada taon kapag ang isang kahilingan para sa renewal nito ay ipinadala sa kanila ng Education at Library Board.

 

Kung magbabago ang kalagayan ko, kailangan bang ipabatid ko ito sa Local Education Board?

Kung ang mga sumusunod na kalagayan ay nagbago, kailangang ipaalam ito kaagad ng mga magulang sa angkop na Board at mag-aplay ulit para sa libreng pagkain kung kinakailangan.

 

Dapat na ipaalam kaagad ng mga magulang sa Board kung:

 

  • Ang Income Support / Income Based Job Seekers Allowance / Pension Credit (Guarantee Credit) ay natapos na
  • Nagbago ang kumukuha ng Income Support / Income Based Job Seekers Allowance / Pension Credit (Guarantee Credit)
  • Muling nakita ng HM Revenue at Customs na ang iyong taunang binubuwisang kita ay higit pa sa £13,910
  • Nagbago ng tirahan ang pamilya
  • Ang anak o mga anak na kumukuha nito ay lumipat ng paaralan
  • Kung nadagdagan/nabawasan ang anak/mga anak na kumukuha nito.
  • Naging karapat-dapat sila sa Working Tax Credit

 

Bakit inalis ang aking mga anak sa programang Libreng Pagkain?

Maaaring ang iyong anak ay inalis sa programa dahil sa hindi natanggap ng Board ang aplikasyon para sa renewal, na ipinadala sa inyo; o kayo ay lumipat ng tirahan at hindi ninyo ipinaalam ito sa angkop na Board.  Kung itinigil na ninyo ang pagkuha ng mga karampatang benepisyo, aalisin na ang iyong anak sa listahan ng mga tumatanggap ng libreng pagkain sa paaralan.

 

Ano ang dapat kong gawin kung ang aking anak ay pumasok sa paaralan ng ibang Board?

Kailangang laging mag-aplay ang mga magulang sa lugar ng mga Board kung saan sila nakatira.  Kung ang isang bata ay pumapasok sa paaralan sa lugar ng ibang mga Boards, basta't ang mga magulang ay tumatanggap ng naaangkop na benepisyo, ang libreng p agkain ay isasaayos ng Board kung saan ka nakatira.

 

May karapatan ba sa Libreng Pagkain ang mga foster children?

Kung ikaw ay tumatanggap na ng Foster Care Allowance para sa bata, wala ka nang karapatan sa libreng pagkain sa paaralan.

 

Maaari ba akong magkaroon ng cash allowance kapalit ng Libreng Pagkain sa Paaralan?

Hindi.

 

Maaari bang mabawi o ma-refund ang mga ipibinili kong pagkain bago i-proseso ang aking application form?

Hindi nagre-refund ang mga Board; ang libreng pagkain sa paaralan ay nagsisimula lamang pagkatapos na maproseso ng angkop na Education Board ang iyong application form.

 

Paano malalaman ng paaralan kung ang aking anak/mga anak ay may karapatan sa Libreng Pagkain sa Paaralan?

Ipapaalam sa iyo at sa kinauukulang paaralan (mga paaralan) ng Education Board ang tungkol sa karapatan ninyo para sa libreng pagkain sa paaralan.