Ang isang mag-aaral ay maaaring tumanggap ng libreng pagkain sa paaralan kung:
- Ang magulang/tagapangalaga ay tumatanggap ng Alalay sa Sweldo, Ayon sa kinita – sustento sa mga naghahanap ng trabaho, May kinalaman sa Kinikita – Alalay sa Pagtatrabaho at Panggastos (Income Support, Income-Based Job Seekers Allowance, Income-related Employment and Support Allowance), o kung ang mag-aaral ay tumatanggap ng Alalay sa Sweldo (Income support) sa kanyang pangalan; o
- Ang mga magulang ay tumatanggap ng Balik buwis para sa Bata (Child Tax Credit); at di maaaring tumanggap ng Balik Buwis para sa mga Nagtatrabaho (Working Tax Credit) dahil sila ay nagtatrabaho ng kulang sa labing anim na oras kada linggo; at may Taunang Binuwisang Kinita na £15,575 o mas kaunti; o,
- siya ay pumapasok sa isang espesyal na paaralan at itinuring na nangangailangan ng espesyal na pagkain; o,
- siya ay boarder sa loob ng isang espesyal na paaralan; o,
- siya ay anak ng isang asylum seeker na sinusuportahan ng Home Office National Asylum Support Service (NASS)
- ang magulang ay tumanggap ng elementong Guarantee mula sa State Pension Credit